top of page
WINNER - VINCENT, NASA ‘PINAS PA RIN, PARENTS, ‘DI NA KAYANG BUMIYAHE PA-SPAIN-FB Circulat

COMPUTER GRAPHICS NG DARNA NI JANE, NILAIT SA SOBRANG LUMA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 22, 2022
  • 2 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters! | December 22, 2022




Kamakailan ay viral ang pagkadismaya ng mga nakakapanood ng TV series na Darna ni Jane de Leon dahil sa CG o computer graphics na sobrang luma na tila panahon pa ng 80’s.


Lalo na ‘yung lumilipad siya na lalapain ng ahas ni Valentina na nasa likuran ni Darna.


Napanood namin ang eksena at nagmukhang anime nga.


Base sa komento ng mga netizens sa website kung saan lumabas ang isyung ito…


“'Di pa rin talaga kaya ng Pinoy makipagsabayan. ‘Wag na sana i-remake kung ganito rin lang.”


“Kaya ng mga Pinoy, sadyang ganyan lang kaya ng budget, HAHAHAHAHA! Para kang nagpabili ng birthday cake pero beinte lang inabot mo, Lemon Square cupcake lang ang mabibili nu'n, HAHAHAHAHA!”


“On top of that, napaka-badly written pa ng Darna na ito. 'Di consistent ang scale ng power, 'yung costumes, 'di rin maganda ang design at pagkagawa. Parang binaboy talaga tulad lang din nu'ng Dyesebel ni Anne Curtis, eh. Ilang years pa naman ang preparation dito.”


“Kaya naman problem is, one-day shoot at edit daw dahil sa audience kineme kaya ganyan ang nagiging quality ng mga epek ng teleserye natin.”


Kung may mga bashers ay may mga nagtanggol din at nagbigay din sila ng paliwanag.


“Pero ibang scenes, maganda naman. Hindi n’yo naa-appreciate 'pag may maganda. Puro lang hanap mali, haha! Maganda nga CGI ng iba, eh, pero aminado ako, palpak sa part na ‘yan.”


“If you guys know how CGI workers are so underpaid, you’ll know the reason why. Imagine having to animate each day per episode in contrast to series in other countries where they release it weekly. This applies to all CGI workers regardless of kung anumang station.”


“Ikumpara n’yo naman sa mga naunang Darna series, mas katanggap-tanggap naman CGI nito.”


“Kung sana, hindi tinanggalan ng prangkisa, may mas mataas na budget pa sana. Kung may mas mataas na budget, mas maganda pa siguro ang quality ng CGI. Hindi naman ganito kapangit ang CGI nila noong may prangkisa at mas mataas na kita sila, ah.”


At para maliwanagan ito ay hiningi namin ang reaksiyon ng isa sa direktor ng Darna ni Jane na si Benedict Mique.


“The team takes in consideration both negative and positive feedback. Despite the limitations of producing a show like Darna in a limited market like ours, the team is trying its best to give the viewers a good show.


“It's also admirable for ABS-CBN to produce a show like this in the midst of all the challenges that the network is facing. In the end, Darna as a show has provided jobs for a lot of people in the industry at the same time quality entertainment for the viewers.


“Maraming lessons na natutunan ang Darna team at makakasiguro ang viewers na magagamit ang mga aral na iyon sa ikagaganda pa ng mga susunod na shows ng ABS tulad ng Darna.


“Nagpapasalamat din ako personally sa mga viewers dahil Darna has been consistently on top in terms of views online which I think is the trend right now because the audience has shifted online. Salamat.”


Hayan, aware naman ang buong team ng Darna kaya i-enjoy na lang natin ang panonood at ang isa pang maipupuri sa mga programa ng ABS-CBN ay lahat, glossy.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page