top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

‘Community pantry’, bagong gimik sa lockdown

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 20, 2021
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | April 20, 2021



May bagong gimik sa lockdown.


‘Community pantry’.


Naks naman!


◘◘◘


TULIRO ang LGU sa pag-assiste sa mga biktima ng krisis.


Hindi rin magkandaugaga ang ilan sa pagre-release ng mga cash assistance.


Iba’t ibang klase ng inobasyon!


◘◘◘


HINDI kasi malinaw kung kailan matatapos ang pandemic.


Gumagapang na sa hirap ang maraming mamamayan kasi walang mahanap na trabaho!


◘◘◘


TALIWAS naman sa ibang lalawigan na aktuwal na namimigay ng ayuda sa mamamayan, ibang klase naman ang sitwasyon sa lalawigan ng Quezon.


Abala ang lalawigan sa pagpapagawa ng mga basketball court!


◘◘◘


WALANG impormasyon ang mga taga-Quezon kung kailan sila makakatikim ng bakuna.


Tameme ang lalawigan sa pag-aksiyon laban sa COVID!


◘◘◘


BATAY sa datos ng DOH naglalaro sa 30 hanggang 40 katao ang nadaragdag sa bilang ng tinamaan ng COVID sa lalawigan araw-araw.


Hindi na dapat pang umabot sa higit na 10,000 ang COVID cases sa Quezon.


Kailangan nang kumilos hangga’t maaga ang mga opisyal!


◘◘◘


MAY ulat na naglaaan ng P1 bilyon ang provincial government ng Quezon bilang pambili ng bakuna.


Pero, bakit kakarampot pa lamang ang nababakunahan sa naturang LGUs?


◘◘◘


SINASABING hindi napagtibay ng sangguniang panlalawigan ang annual budget dahil masyadong malaki ang inilaan sa pagpapagawa ng basketball court.


Nagtataka ang mamamayan kung makatutulong ba ang basketball court laban sa COVID?


◘◘◘


MALINAW na ang prayoridad nila ay ang imprastruktura imbes na pagsaklolo sa mamamayan.


Alam nating ang mga imprastruktura ay gatasang-baka ng mga kontraktor dahil sa SOP at kaduda-dudang transaksiyon!


◘◘◘


SANA’Y mapagbigay ng liwanag si Gov. Suarez kaugnay sa hinaing ng mamamayan.


Hindi lang kasi nakatuon dapat ang pagkilos ng gobyerno sa NCR Plus, bagkus ay dapat imino-monitor din ng Malacañang ang malalayong lalawigan!


◘◘◘


HINDI tayo nakatitiyak na hindi maililipat ang pamemeste ng COVID sa mga lalawigan.


Pero hindi ‘yan ang isyu, bagkus ay dapat ding bantayan ng DILG at Malacañang kung paano ginagastos ng mga ehekutibong lokal ang kaban ng bayan sa gitna ng pandemic!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page