top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Community pantries, simbolo ba ng protesta o “pag-ibig” sa kapwa?

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 23, 2021
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | April 23, 2021



Nakapagpalipad ng helicopter ang NASA sa ibabaw ng Mars.


Yipee!


◘◘◘


NAKAGAWA rin ng oxygen ang perseverance rover sa Mars mula sa carbon dioxide na nasa ere ng Mars.


Kumbaga, tubig na lang ang hinihintay, puwede nang manirahan sa ibang planeta ang mga tao!


◘◘◘


KUMALAT na ang community pantries sa buong bansa.


Simbolo ba ‘yan ng protesta o “pag-ibig” sa kapwa?


Huh, pareho?


◘◘◘


SINISIRA ng AFP ang kanilang sariling reputasyon.


Paano sila makakaporma kontra kay P-Digong?


◘◘◘


BAWAL daw simutin ang laman ng community pantries.


Pang-display lang kasi ‘yan sa social media!


◘◘◘


IBINAWAL sa mga Kano na bumiyahe sa Pilipinas.


Watyuseyyy?


◘◘◘


NAGKAKASUNDO ang Saudi at Iran upang matahimik ang Middle East.


Klap-klap-klap!


◘◘◘


MAGBEBENTA ng jet fighter ang Pakistan sa Pilipinas.


Akala ko vaccine ang kailangan?


◘◘◘


BAKIT walang namimigay ng libreng generic drugs?


Baka nalimutan lang ng mga naka-red tag?


◘◘◘


MAY nagtatanong sa likuran, hindi raw puwedeng tumaya rin “nang libre” sa lotto?


At magsabong sa online nang “walang datung”?


◘◘◘


KAHIT mayayaman ay nakikisingit sa community pantries.


Yaman-yamanan lang kasi sila, eh!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page