top of page

Commissioner Guanzon, nabiktima ng fake food booking

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 2, 2022
  • 1 min read

ni Lolet Abania | February 2, 2022



Naging biktima rin si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon ng fake food orders na naganap ngayong Miyerkules, Pebrero 2, ang huling araw niya sa kanyang opisina.


Sa ulat, anim o pitong food delivery riders ang dumating sa Palacio del Gobernador, ang main office ng Comelec sa Manila, kung saan doon lamang nabatid na mga ito na hindi si Guanzon o kanyang opisina ang umorder ng mga pagkain.


Batay pa sa report, nagkakahalaga umano ng P5,390 ang food na inorder sa pamamagitan ng isang app na ginamit ang pangalan ni Guanzon. Itinanggi naman ng opisina ni Guanzon ang booking ng naturang order.


Si Guanzon, kung saan ang kanyang retirement sa office ay magsisimula sa Pebrero 3, ay laman ng mga headlines kamakailan, matapos na akusahan ang kapwa commissioner na si Commissioner Aimee Ferolino ng sadyang paged-delay ng resolution ng consolidated disqualification cases laban kay presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.


Gayunman, itinanggi ni Ferolino ang ibinabato sa kanya ni Guanzon, habang inakusahan naman niya ito na sinusubukan siyang impluwensiya sa ilalabas na resolusyon ng kaso ni Marcos.


Patuloy naman na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang naganap na insidente ng fake food booking.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page