top of page

Comelec, ‘pabaya’, nalusutan ng mga kandidatong Chinese national at nagsipanalo pa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | December 9, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez


KAPAG ISINAKRIPISYO NI SEN. DELA ROSA ANG KANYANG SARILI, INAKO NA SIYA ANG PASIMUNO NG EJK MAKAKALAYA, MABI-BRING BACK HOME NA SI FPRRD -- Sinabi ni former Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Sereno na may pag-asa raw na maabsuwelto sa kasong crimes against humanity at makalaya sa International Criminal Court (ICC) jail si former Pres. Rodrigo Roa Duterte (FPRRD) kung susuko sa ICC si Sen. Ronald Dela Rosa at aakuin niya na siya ang pasimuno sa bloody drug war at walang kinalaman ang ex-president sa mga naganap na extrajudicial killings (EJK) sa Pilipinas.

Kaya’t ang tanong: isakripisyo kaya ni Sen. Dela Rosa ang kanyang sarili para ma-bring back home na si FPRRD? Abangan!


XXX


SA RAMI NG CHINESE NATIONAL NA NANALO SA MGA NAKARAANG HALALAN PATUNAY NA ‘PABAYA’ ANG COMELEC -- Iniimbestigahan ngayon ng Bureau of Immigration (BI) ang tunay na pagkatao ni Pagadian City Mayor Samuel Co dahil sa impormasyon na peke ang pagiging Filipino nito, na Chinese national ito.


Sakaling mapatunayang Chinese national si Mayor Samuel Co ay pagpapatunay iyan na ‘pabaya’ sa kanilang tungkulin ang mga taga-Comelec dahil may mga Chinese national din na nakalusot sa komisyon, na pinayagang kumandidato at mga nagsipanalo noon, na lately ay napatunayang mga Chinese national pala, tulad nina dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, former Manila Councilor Joey Chua Uy at ex-Catanduanes Gov. Joseph Cua, period!


XXX


MALAPIT NANG MAGING MAGKA-KOSA SA SELDA ANG ‘PORK BARREL QUEEN’ AT ‘FLOOD CONTROL PROJECTS QUEEN’ -- Malabo nang makalabas pa ng kulungan si ‘pork barrel queen’ Janet Napoles dahil hinatulan uli siya ng habambuhay na pagkabilanggo sa isa pa niyang kasong graft at malversation of public funds, at sa kabilang banda naman ay anumang araw mula ngayon, kabilang ang tinaguriang ‘flood control projects queen’ Sarah Discaya sa nakatakda nang dakpin ng mga awtoridad sa kapareho (graft at malversation of public funds) din na kaso.


Kung saka-sakali pala ay malapit-lapit nang maging magka-kosa sa selda ang ‘pork barrel queen’ at ‘flood control projects queen’, boom!


XXX


BAD NEWS SA MGA KURAKOT ANG DEKLARASYON NG SC NA UNCONSTITUTIONAL ANG UNPROGRAMMED FUNDS -- Nagpalabas ng desisyon ang Supreme Court (SC) na unconstitutional ang unprogrammed funds na ipinapaloob sa national budget.


Bad news iyan sa mga kurakot sa pamahalaan dahil hindi na nila magagawa na makapangurakot sa mga isinisingit nilang badyet sa unprogrammed funds, period!

katanggap-tanggap sa publiko na absent siya pero tuloy suweldo niya, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page