Comelec, dedma sa Partylist na may nire-represent, aprub sa Partylist ng mga trapo
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 10, 2021
PARTYLIST NA MAY NIRI-REPRESENT NA SEKTOR, NI-REJECT NG COMELEC PERO ANG PARTYLIST NG MGA MAGKAKAMAG-ANAK NA TRAPO, APRUB—Ni-reject ng Comelec ang aplikasyon ng Nurses United Partylist na nagri-represent sa mga health workers;
LGBTQ Plus Partylist na nagri-represent sa LGBTQ+; ang Tanod Partylist na nagri-represent sa mga barangay tanod; Solo Parents Partylist na nagri-represent sa mga single parents;
Pasahero partylist na nagri-represent sa mga commuters at Manibela partylist na nagri-represent sa mga tsuper.
Malinaw na may mga niri-represent na mga sektor ang mga ‘yan, pero ni-reject pa rin ng Comelec, tapos ang pinayagang makalahok sa halalan ay ang mga partylist na pag-aari ng mga magkakamag-anak na pulitiko, pwe!
◘◘◘
SA TAGAL NG PANAHON, NAGKA-PARTYLIST NA RIN ANG MGA TODA MEMBERS—Nagbunyi ang mga kababayan nating tricycle operators and drivers association (TODA) nang iaprub ng Comelec ang kanilang aplikasyon at payagang makalahok sa halalan 2022 ang kanilang TODA Partylist.
Sa tagal nga naman kasi ng panahon na walang nagri-represent sa kanila, ngayon ay magkakaroon na ng boses ang TODA, at isa sa mga layunin ng first nominee nitong si tricycle operator Rovin Feliciano, kung sakaling palarin ang kanilang partylist ay bigyan ng lifetime insurance ang lahat ng TODA members sa buong bansa, ayos!





Comments