top of page
Pokwang.jpg

Comedy Queen, inalok ang sarili… AI AI, PALIT KAY WILLIE SA WOWOWIN

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 8, 2021
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | March 8, 2021





Bet pala ni Ai Ai delas Alas na maging co-host ni Willie Revillame sa Wowowin. Tahasang nagparamdam ang Comedy Queen sa TV host nang mag-text siya at tumawag pa habang ongoing ang show.


“Nag-text sa akin si Ms. Ai Ai delas Alas, ipapakita ko nga sa inyo,” sey ni Willie.


Binasa niya ang text message ni Ai Ai at ipinakita pa sa camera.


Mensahe ng comedienne, “Kuya Wil, nanood ako sa ‘yo, malat ka na, baka kailangan mo na ng tulong ko, hehehe. Lalabas na ako sa locked-in, Ninong, baka naman.”


Ang isinagot daw niya kay Ai Ai, “Who you?”


Pero sey din niya, “Sabagay, puwede, magaling naman si Ai Ai.”


Dagdag pa niya, “Oy, si Ai Ai, Concert Queen ‘yan, ang galing-galing niyan, nagpapasaya. Puwede ‘no? Puwede ba si Ai Ai rito ‘pag wala ako?”


At that moment ay tumawag na si Ai Ai sa cellphone ni Willie kaya sabi ng TV host, “Tumatawag siya! Uy, nagpaparamdam! Ai Ai, buhay ka pa, nagpaparamdam ka na!”


Hindi agad nasagot ni Willie ang tawag ni Ai Ai kaya muling tumawag ang komedyana and this time ay nagkausap na sila.


“Nagulat ako, binabasa mo ang text ko, nahiya tuloy ako bigla,” sabi ni Ai Ai.


Tanong ni Willie kay Ai Ai, “‘Pag nawala ako, puwede ka bang mag-co-host?”


Sagot ng Comedy Queen, “Siyempre naman! Ninong, baka naman, alam mo na.”


Tinanong ni Willie kung kailan matatapos ang locked-in taping at sumagot naman si Ai Ai na sa Tuesday daw.


“O, sige, mag-usap tayo,” sey ni Willie.


Nagsisigaw si Ai Ai sa sobrang tuwa at nagpasalamat sa TV host. Nagbiruan pa sila for a few minutes at bago ibaba ang telepono ay inulit ni Willie na “Sige, mag-usap tayo pagbalik mo” at umokey naman ang komedyana.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page