top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

COCO, MALAKAS LANG SA MADLANG PIPOL 'PAG WALANG BAYAD ANG PALABAS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 30, 2022
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | December 30, 2022




Papayag kaya ang mga fans and supporters ni Coco Martin sa press release ng kampo ni Vice Ganda na taob ang pelikula nina Coco at Jodi Santamaria sa pelikula nina Vice at Ivana Alawi?


Nangangahulugan ba ito na lumipas na ang karisma ng Ang Probinsyano actor at si Vice Ganda pa rin ang reyna sa takilya sa panahon ng MMFF?


At sabi pa, kaya lang daw malakas ang Ang Probinsyano at inabot ng pitong taon sa ere ay dahil libre itong napapanood sa telebisyon, samantalang si Vice Ganda ay halos once a year lang gumawa ng pelikula pero tinatangkilik at ginagastusan ng mga fans. At ang crowd ni Vice Ganda ay karamihan mga bata.


Ang ibang pelikula naman na pumasok sa Magic 8 ng MMFF 2022 ay R-18, R-13 at SPG (Strictly Parental Guidance) ang ratings, kaya may bentahe ang movie nina Vice Ganda at Coco Martin na pambata.


Samantala, sa kabila ng muling pagyakap at pagtangkilik ng mga kababayan natin sa MMFF ngayong taon, hindi pa rin napapantayan ang kinita ng festival noong 2018 na halos umabot ng P1 B mark.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page