COCO, IPINROMOTE ANG MOVIE NINA JULIA AT ALDEN
ni Nitz Miralles @Bida | October 18, 2023

May rasong matuwa ang mga producers ng Five Breakups and A Romance dahil sa balitang sa pagbubukas ng pelikula ngayong araw, mapapanood ito sa 210 cinemas.
Kaya pala sabi ni Alden Richards na producer ng Myriad Entertainment, happy siya sa numbers of cinemas na ibinigay sa kanila ng Cornerstone Studios at GMA Pictures, co-producers ng movie.

Kapag naging maganda ang box-office result ng nasabing pelikula, siguradong madaragdagan pa ang numbers ng cinemas ng movie. Araw-araw ding nadaragdagan ang numbers ng block screenings ng mga fans nina Alden at Julia Montes.
Samantala, natuwa ang mga fans ni Julia at gayundin ni Alden sa suporta ni Coco Martin sa kanilang pelikula. Ipinost ni Coco sa Instagram ang poster ng Five Breakups and A Romance pati date kung kailan ito showing. Naka-tag ang kanyang post kina Julia at Alden.
Pinasalamatan naman ng mga fans nina Julia at Coco si Alden sa pagiging maalaga nito sa aktres, lalo na sa mga mall shows nila. Kahit may mga security silang kasama, talagang binakuran ni Alden si Julia para hindi masaktan.





Comments