top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Coastal Road masusubok ang Barrio San Roque

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 7, 2023
  • 2 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | July 7, 2023


Kikilatisin ni Coastal Road ang tikas ni Barrio San Roque pagharap nila sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas, ngayong araw.


Sasakyan ni jockey Jegir Paano, inaasahang dodominahin ni Barrio San Roque ang bentahan sa takilya pero hindi masisindak si Coastal Road na kilala rin na may husay sa karerahan.


Gagabayan ni jockey AM Tancioco si Coastal Road at maliban kay Barrio San Roque ang ibang kasali sa nasabing karera ay sina Heaven's Gift, Prince Arman at Gee's Song.


May distansiyang 1,200 meter race, may P15,000 added prize ang ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta habang may karagdagang P10,000 premyo ang ibubulsa ng winning horse owner.


Komento ng mga karerista sa social media, mahirap pumili kahit lima lang silang tatakbo dahil halos lahat ay malaki ang tsansang manalo.


"Lahat malaki ang tsansang manalo kaya baka mag-tatlo pa ako sa pagpili sa tatayaan ko na winner take all, (WTA)," ani Diego Martinez, veteran karerista.


Ilalarga ng Metro Manila Turf Club Inc. ang pitong balanseng karerang ngayong araw ng Biyernes lahat ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Samantala, atat na rin ang mga karerista sa mga stakes races na pakakawalan ngayong buwan kabilang ang 2023 PHILRACOM 3rd Leg Triple Crown Championships na ilalarga sa nasabing lugar.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Coastal Road (5), Barrio San Roque (4)

Race 2 - Kummander (6), Katherine (3), Markees Angel (9)

Race 3 - Lucky Julliane (7), Step Bell (3), Rise Up (1)

Race 4 - Quid Pro quo (5), Shinshiro (6)

Race 5 - Rockaway (4), Magnolia Yana (1), Kaboom (3)

Race 6 - Queen Louise (9), Big Battle (11), Great Britain (12)

Race 7 - May Ten (14), Happy Maggie (7), Bullet (3), Chef Kat (10)


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page