Co-star sa movie… ANGELI, NAGSALITA NA SA PAGBUBUNTIS NI AJ
- BULGAR
- Jul 23, 2022
- 2 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 23, 2022

Ayon kay Angeli Khang, wala siyang alam sa isyung buntis ang kapwa sexy star na si AJ Raval. In fact, kasalukuyan daw silang nagsu-shooting ng pelikula at wala naman daw siyang napapansing buntis ito.
“Let’s not believe everything we see on social media, as long as wala talagang sinasabi ‘yung artist,” sey ni Angeli sa presscon ng bago niyang digital series sa Vivamax na ‘Wag Mong Agawin ang Akin.
Pero kung sakali naman daw na totoong buntis si AJ ay happy siya for her co-star.
Actually ay close sina Angeli at AJ dahil pareho silang alaga ni Jojo Veloso.
Samantala, sa ‘Wag Mong Agawin ang Akin ay papatunayan ni Angeli na hindi lang pagpapa-sexy ang alam niya dahil marami siyang dramatic scenes dito.
Aniya ay sobrang na-challenge raw siya sa crying scenes niya with Jamilla Obispo dahil ramdam na ramdam niya ang kanyang mga linya.
Pero siyempre, tumodo rin sina Angeli at Jamilla sa mga sexy scenes dito dahil kuwento nga ng direktor na si Direk Mac Alejandre ay may more or less 16 love scenes ang serye.
“Mahirap para sa direktor to do an 8-part series na relationship story, tapos may sex. Kasi ilang sex scenes per day ang kailangan mong ipakita? Kung dalawa, let’s say dalawa, and hindi lang 'yan dalawa, and there are 8 episodes. Sixteen, oh, my God! Sixteen love scenes ang iisipin ng direktor and then you are taping for 10, 12, 14 days. So, everyday, may mga love scenes, sometimes 2 love scenes a day,” sey ni Direk Mac.
Kasama rin sa serye si Felix Rocco na siyang leading man ng dalawang lead stars. Magsisimula na ang series sa July 31 sa Vivamax.




Comments