Co-sexy star na si Valeen, kasama pa rin… KIM, TSINUGI SA BUBBLE GANG
- BULGAR
- May 27, 2022
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | May 27, 2022

Walang reaction ang sexy Kapuso comedienne na si Kim Domingo nang isa siya sa mga natsugi sa gag show na Bubble Gang. Pero, ang kanyang mga fans at supporters ang umapela dahil ilang taon ding naging bahagi ng BG ang kanilang idolong si Kim.
Nakapagbida na rin ito sa ilang pelikula at willing naman si Kim na gawin kung anong role ang ibigay sa kanya.
Hindi rin naging sakit ng ulo ng production staff si Kim Domingo. Noon lang kasagsagan ng COVID pandemic siya nagpaalam sa Bubble Gang dahil takot siyang lumabas. Pero nagbalik naman siya sa show nu'ng medyo safe na ang lahat.
Ang isa pa sa mga ipinagtataka ng mga tagahanga ni Kim Domingo ay bakit si Valeen Montenegro ay na-retain sa Bubble Gang ganu'ng pareho lang sila ni Kim na nagpapa-sexy? Ano raw ang criteria at naging basehan sa pagkakaalis ng ibang cast ng Bubble Gang?
Well, sa pagbabagong-bihis ngayon ng Bubble Gang ay maraming bagong segments na mapapanood simula sa araw na ito.
Ang pagbabawas daw ng cast ay para na rin mapaganda pa ang show at makapag-focus sa kanilang layunin na maghatid ng mas masaya at entertaining show.
Sina Sef Cadayona at Betong Sumaya ay asset ng BG dahil sa kanilang dedikasyon sa kanilang trabaho at husay sa pagkokomedi. Malaki ang tiwala sa kanila ni Michael V. at alam nitong magtatagal at may igagaling pa sila.





Comments