top of page
Robin Padilla - FB

Co-host sa EB!, may sarili nang pera… KRIS, PROUD NA BINIGYAN NI BIMBY NG P20K!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 4, 2026



 Kris at Bimby sa Eat Bulaga

Photo: File / Kris at Bimby sa Eat Bulaga



Proud na proud si Kris Aquino sa kanyang bunsong anak na si Bimby Aquino Yap, hindi lang dahil special guest co-host ito sa Eat… Bulaga! kundi dahil din sa mga ipinakikitang magagandang ugali ni Bimb.


Sa Facebook post ng aming kaibigang si Tito Dindo Balares, dating entertainment editor ng Balita, ikinuwento niya ang ilang bahagi ng usapan nila ni Kris.


Post ni Tito Dindo, “The other day, Wednesday, nag-report pa rin si Bimb sa work as guest co-host sa Eat… Bulaga kahit masakit ang tiyan.”


Kuwento raw ni Kris kay Tito Dindo, "He had an upset tummy but never showed his coworkers." 


Napaka-professional nga naman ni Bimby, ‘di ba?

Pero ang higit na ikinatuwa at ikina-proud ni Kris bilang ina ay nang bigyan daw siya ng pera ni Bimby sa kanyang Gcash.


Dagdag na kuwento raw ni Kris, "He gave me ₱20K for my GCash so I could buy clothes for his Kuya from Manfinity Plus Size (from those unaware that’s a brand from SHEIN for larger men)." 


At papuri pa ng Queen of All Media sa kanyang bunso, "Sobrang responsible, he knows I want to remodel our home in Alto (our compound in Tarlac) and get him and his Kuya a larger SUV.


"That’s our family of 3, we love each other and share expenses when we have a larger goal." 

Mukhang sumuweldo na si Bimby sa kanyang hosting job sa Eat… Bulaga! kaya may P20K na pa-Gcash kay Kris, ha?


Nakakatuwa at nakakabilib naman talaga si Bimby, napakamapagmahal na anak. 





MULING magniningning ang Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Pasay City sa Newport World Resorts ngayong Linggo para sa ika-9 na edisyon ng Entertainment Editors’ Choice, mas kilala bilang The Eddys, ang magsisimula ng local film awards season, na muling magbibigay-parangal sa mga pelikula at artistang nagpakita ng husay sa pagbuo ng pelikulang Pilipino sa nakalipas na taon. 


Inorganisa ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), kikilalanin ng The Eddys ang mga natatanging tagumpay sa paggawa ng pelikulang Pilipino sa 14 na kategoryang maglalaban-laban, na nagbibigay-pugay sa mga gawang nakatulong sa paghubog at pagpapaangat ng lokal na cinematic landscape sa pamamagitan ng makapangyarihang pagkukuwento, matapang na artistikong pananaw, at teknikal na kahusayan. 


Pitong natatangi at mahuhusay na pelikulang nagbigay ng makabuluhang pananaw sa karanasan ng mga Pilipino ang magtatagisan para sa titulong Best Picture: Bar Boys: After School, Eraserheads: Combo on the Run, I’m Perfect, Journeyman, Quezon, Sunshine at UnMarry.


Bibigyang-pugay din ang mga natatanging indibidwal na nag-iwan ng malalim na marka sa larangan ng entertainment at sa lipunan. 


Nangunguna sa mga tatanggap ng espesyal na parangal ngayong taon ang Box Office Hero na si Vice Ganda para sa comedy-drama ng Star Cinema na Call Me Mother; ang beteranong aktres na si Maricel Soriano at ang cast ng Meet, Greet, & Bye; ang tambalang Kim Chiu at Paulo Avelino para sa romantic comedy na My Love Will Make You Disappear; at si Richard Gutierrez para sa pangunguna sa horror entry ng Regal Entertainment na Shake, Rattle & Roll: Evil Origins.


Igagawad din ang tatlong espesyal na pagkilala. Ang Isah V. Red Award ay kumikilala sa mga indibidwal na ang mga gawain ay nag-aangat sa antas ng pamumuhay ng mga komunidad sa pamamagitan ng makabuluhang paglilingkod. Ang mga tatanggap nito ngayong taon ay ang corporate leader at philanthropist na si Chaye Cabal Revilla at ang aktor na si Donny Pangilinan.


Ang Joe Quirino Award ay mapupunta sa direktor at songwriter na si Joven Tan, na ang career journey mula sa entertainment journalism hanggang sa paggawa ng pelikula, ay nakagawa ng higit sa isang dosenang pelikula.


Ang Manny Pichel Award ay ibibigay sa television reporter na si Lhar Santiago para sa kanyang mga dekada nang kontribusyon sa entertainment journalism. 

Hosted by Concert Queen Pops Fernandez at television host and broadcaster Kim Atienza, ang star-studded ceremony ay idinirehe ni Calvin Neria. 


Magbubukas ang gabi sa isang espesyal na production number mula kina Fred Moser at Kanata ng Pinoy Big Brother, kasama ang cast ng advocacy drama na I’m Perfect


Ipapakita ng AKTOR PH chairman at founding president na si Dingdong Dantes ang mga patuloy na inisyatiba na binuo sa pakikipagtulungan sa SPEEd at Unilab. 


Isang espesyal na pagtatanghal din ang ihahatid ng up-and-coming young singer-songwriter na si Isha Ponti, habang ang mang-aawit na si Jamie Rivera ay maghahatid ng emosyonal na song number para sa posthumous tribute segment, isang matinding bahagi ng programa na inaasahang magdadala ng panandaliang katahimikan sa gabi.


Magsasara ang seremonya sa pagtatanghal ni Andrea Gutierrez at ng singer-songwriter na si David Young.


Inorganisa ng SPEEd, ang The Eddys ay nananatiling isa sa mga pinakarespetadong award-giving bodies sa bansa na nakatuon sa pagkilala sa kahusayan sa paggawa ng pelikulang Pilipino.


Ang 9th Entertainment Editors' Choice ay nabuo sa kolaborasyon ng SPEEd, Newport World Resorts, PlayTime Entertainment, at Echo Jham Productions, kasama ang Gold Sponsors Globe Telecom at Unilab Inc.; Silver Sponsors SoundCheck Inc. at Puregold CinePanalo Film Festival; at Major Sponsors Luxent Hotel, Luxxe White, Beautéderm Corporation, Isha Ponti, at PlayaLolita Beach Resort Hotel and Restaurant.


Ang live streaming ng 9th Eddys ay opisyal na mapapanood sa Facebook page ng Entertainment Editors’ Choice at YouTube channel nito, na may sabay-sabay na broadcast sa mga nangungunang media platforms.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page