top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Co-host, hina-harass daw… PAOLO, LAGOT SA MTRCB DAHIL SA NAKAW NA HALIK KAY ARRA

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 1, 2023
2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 1, 2023



‘Kaaliw basahin ang reaksiyon ng mga netizens sa pakilig videos nina Paolo Contis at Arra San Agustin sa Eat… Bulaga! ng GMA-7.


Updated talaga ang mga Marites na netizens hindi lang sa love life ni Paolo kundi pati sa mga galawan nito ngayon kay Arra.


Inuulan ng kantiyaw ngayon ang EB! host na “Paolo strikes again,” “May bago na naman siyang inaaswang,” “May kapalit na si Yen Santos!” at marami pang iba’t ibang komento sa may playboy image na actor-TV host.


Viral nga kasi ngayon ang mga panakaw na halik ni Paolo kay Arra habang nagho-host sila ng mga segments sa EB!.


Ewan kung scripted ba ito para pag-usapan ang show at makahatak ng viewers, which is mukhang effective nga dahil pinag-uusapan ngayon.


Pero somehow, mukhang makaka-nega rin kay Paolo na markado na nga sa pagpapalit-palit ng girlfriend.


At pati ang nananahimik ngayong si Yen Santos na matagal-tagal na ring walang project at ewan kung ano na ang pinagkakaabalahan habang si Paolo Contis ay busy sa EB! at mga movies niya, ay idinamay ng mga Marites.


Ilan lang sa mga comments na nabasa namin na judgmental man ang dating ay may punto naman…


“Be aware, be very aware, Yen....”

“Bye Yen!!! You’re not the flavor of the month anymore, hahahhahhaa”

“Mag-ready ka na, Yen.”


“Yen Santos is shaking. Karma is on your way, gurl.”


May mga nagbabala naman kay Ara lalo’t napakabata pa raw nito para magpabiktima kay Paolo.


“Ara run! Ang ganda-ganda mo para mag-settle kay Paolo,” hirit ng isa.


“So, hindi na sila ni Y? Bagets datingan ni Paolo, ah, ‘wag magpadala, gurl. Tibayan ang loob! Hahahaha!” babala ng isa pa.


“Nakuuuu Arra! Ang daming decent na lalaki kesa d’yan.”


“As friends... naman, eh. Level up nga, live and recorded na siya. No need to go to Baguio.”


“May panganay na naman?”


Well, hindi natin masisisi ang mga Marites na netizens kung ganito ka-advanced mag-isip at magsalita dahil may pinagbasehan naman ngang records at history! History daw, oh!


Kung si LJ Reyes nga naman na naanakan na ni Paolo, nagawa pang iwan at ipagpalit, si Yen pa raw kaya na wala namang anak at hindi rin kasal ang hindi kakayaning iwan ni Paolo para sa isang mas fresh at mas batang Arra San Agustin?


Samantala, tinawagan naman ng ilang netizens ang pansin ng MTRCB dahil galawang pang-DOM at pangha-harass daw ang ginagawa ni Paolo kay Ara sa EB!.


“Hindi dapat nino-normalize ‘yang ganyan. Lala, umeksena ka na!”


“Uhm MTRCB??? Puwede ba ‘yan?”


“Kadiri ‘yung may pahalik on live on national TV nang hindi naman partner.”


“Kiss today, iyak forever! ‘Di nga marunong bumuhay ng mga anak ‘yan. ‘Kakasuka!”


“Ang predatory lang ng dating ni Paolo sa vids. I don’t think gimik lang ‘yan, kasi sino namang lalaki at his age ang magpapadala sa mga ganyang galawan especially if he’s already taken?”


“Oo nga, sexual harassment on display, mygahd lalo na ‘yung inaamoy habang nagse-segment.

No longer ok; gawin niya kaya ‘yun sa anak ni Carmina, so papatusin niya ‘yung weak.”


Luh, ayan na! Kung gimik man ito ng EB!, mukhang umingay nga sila, pero mukhang may dapat din silang panagutan sa MTRCB, ha?


Tsk, tsk, tsk!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page