Climbers hinagupit ng avalanche, 11 todas

ni Justine Berganio @Overseas News | September 10, 2026

Photo: FP
Patay ang 11 climbers habang anim ang sugatan matapos hagupitin ng avalanche ang grupo ng 33 climbers sa Mount Mizhirgi sa Kabardino-Balkaria, North Caucasus, Russia nitong Linggo ng hapon.
Ayon sa emergency services, nangyari ang insidente alas-5 ng hapon habang nasa bundok ang grupo.
Pagsapit ng alas-9 ng umaga kinabukasan, 10 climbers ang nakababa nang kusa, habang anim pa ang hindi matukoy ang kinaroroonan.
Mahigit 50 rescuers ang nagsasagawa ng search and rescue operation, pero nahaharap sa mahirap na terrain at panganib ng panibagong avalanche.





Comments