CLAUDINE, TODO-PAPAYAT PARA SA PAGBABALIK-SERYE
ni Ambet Nabus @Let's See | October 22, 2023

After twelve years nga at ilang mga balitang magbabalik-TV na si Claudine Barretto, eto nga at opisyal na ang lahat.
Sa GMA-7 series na Lovers/Liars (co-prod ng Regal Entertainment), muling mapapanood si Claudine in a lead role.
Ngayong November na ‘yan mapapanood sa Kapuso Network though hindi pa namin nakukumpirma ang mga makakasama ni Clau sa series.
Basta, ang tsika ng aming kausap ay pinaghandaan ito ni Claudine. Nagpapayat, nagpaganda lalo at umiwas sa mga stressful na balita o ganap si Claudine dahil ayon pa sa tsika, "hindi sasayangin ni Claudine ang break at patutunayan nitong sikat at reyna pa rin ito ng teleserye."





Comments