Claudine, todo-banat sa mister at bagong GF… RAYMART AT JODI, TULOY SA PAGPAPAKALIGAYA
Julie Bonifacio - @Winner | March 22, 2021

Mukhang nasa fighting mood si Claudine Barretto sa bago niyang post sa kanyang Instagram account dahil direkta na niyang tinawag ang atensiyon ng nakahiwalay na mister na si Raymart Santiago.
Ilang beses na rin kasi niyang binanggit sa kanyang mga previous interviews ang tungkol sa suporta ni Raymart para sa kanilang mga anak. Pero, tila walang nakukuhang sagot si Claudine kaya diniretso na niya ang pagbanggit sa pangalan ni Raymart on her rant sa kanyang IG account.
And people expected na tulad ng dati, malamang ay dedmahin lang ni Raymart ang rant ni Claudine.
But lo and behold, tila may sagot si Raymart sa 'talak' ni Claudine sa mismong Instagram account din ng aktor kahapon.
Katwiran marahil ni Raymart, kung kaya ni Claudine mag-post sa social media, keri rin niya.
Habang isinusulat namin ang aming kolum dito sa BULGAR, nag-post si Raymart sa kanyang IG ng short video na nag-i-scuba diving sa beach.
Short and meaningful ang mensahe na nakasulat sa caption, "Peace be with you."
Para kaya kay Claudine ang cryptic message na 'to ni Raymart?
May isang IG follower and for sure kaibigan ni Raymart ang nag-comment sa IG post ng aktor.
"Lavshoo, Brah!! My hope & prayer is for people to see how beautiful your heart is," comment mula sa may account name na Patricia Coronado.
Teka lang, kasama kaya ni Raymart ang girlfriend niyang si Jodi Santamaria sa beach kung saan nag-i-scuba diving siya?
Nakita kasi namin sa latest Instagram post naman ni Jodi na nasa isang island siya. Mismong si Jodi ang nag-reveal na nasa island siya while working.
Caption ni Jodi sa IG post niya last Friday, "Our last hurrah for our finale night. Now, working from the island. Thanks @hm and @dancmejia for this summer look."
At sa kanyang IG story nu'ng March 12 ay nag-post siya ng picture niya bago sumakay ng eroplano na nasa background niya.
"It’s been years since I last set foot on the island. I am glad to be back in Caticlan for a shoot. Thank you @airasiatravels_ph for taking me and my team safely back to the island - observing proper protocol, making sure that the aircraft is disinfected and sanitized after every flight brings back travel confidence.”
Kahapon ay nag-post si Jodi sa kanyang Instagram ng tatlong pictures niya wearing a two-piece swimwear habang nasa buhanginan sa tabi ng dagat.
Sa caption ay feeling pa-good vibes ang mensahe ni Jodi gaya ni Raymart.
"Gratitude is the best medicine. It heals your mind, your body, and your spirit. And attracts more things to be grateful for. A purposeful life to us all. Sending you LOVE and LIGHT," post ni Jodi.
Napakasimple naman ng reaksiyon-comment ni Raymart sa IG post ni Jodi, isang emoji ng babaeng nagme-meditate.
Kinilig ang mga netizens kina Raymart at Jodi.
"Super-bagay kayo. I'm so happy for the both of you coming from disastrous marriage and now are happy."
"Yes, true to that! Ang sarap kayang parang wala kang ganap sa buhay kundi maging masaya... dedma sa negativity at ilabas ang ngiting pang-mais."
Ganern?!





Comments