ni Ambet Nabus @Let's See | February 1, 2024
Dahil sa pagiging "outspoken" ni Claudine Barretto nang 'eklayin' nito si Angelu de Leon, tila sa kanya nag-boomerang ang mga nega comments/reactions ng netizens.
Numero unong konsehala nga naman ng Pasig City si Angelu at kung ikukumpara ang takbo ng buhay nila sa ngayon, mas nakakaangat si Angelu dahil sey ng netizen, "Mas may kabuluhan naman ang mga gawain nito."
Sari-saring nega comments nga at tawag ang ipinukol kay Clau pero nagkakaisa ang lahat na naging 'bastos' ito sa event ng kaibigang si Gladys Reyes.
Kahit 'yung pagbanggit niya ng panonood niya sa series ni Ruru Madrid na Black Rider ay naging malisyoso lalo na nang banggitin nitong inililipat niya sa ibang channel kapag nasa eksena na, in her words, "'Yung isa, alam ninyo na. Bawal magsalita dahil sa court order." Sino pa ba ang inire-refer niya kundi si Raymart Santiago na co-star sa series ni Ruru?
Nakakaloka, huh, pero maraming mga Marites tuloy ngayon ang naglalagay sa name ni Clau na kahilera umano nina Kris Aquino, Sharon Cuneta at iba pang mga lukresya sa showbiz. Magagaling magsalita, outrageous ang mga kuda at may sariling mundo na kanilang-kanila!
Gusto ninyong sumali, Ateng Janiz? (Happy na ako sa mundo kong walang gulo, nyahaha! — JDN)
Comments