top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

CLAUDINE, GALIT PA RIN KAY ANGELU, AYAW MAKASAMA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 29, 2024
3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | January 29, 2024



Nagulantang si Gladys Reyes sa naging reaksiyon ni Claudine Barretto tungkol kay Angelu de Leon habang nagtsitsikahan ang dalawa sa ginanap na double celebration ng Sommereux family last Saturday.


Sa mga ‘di pa nakakaalam, ang Sommereux ay ang real surname ng mister ni Gladys na si Christopher Roxas.


Isinelebreyt nina Gladys at Christopher ang kanilang 20th wedding anniversary kasabay ng 18th birthday ng panganay nilang anak na si  Christoph na papasukin na rin ang showbiz.


Walang kaalam-alam si Christoph sa malaking sorpresa on his 18th birthday ng kanyang mga magulang, especially her “backstage mother” na si Gladys.


Sa gitna ng celebration ay pumirma ng kontrata si Christoph sa Star Music kasama ang mga ehekutibo ng recording company na sina Rox Santos, Jonathan Manalo at Roxy Liquigan.


More kuwento pa ang itsitsika namin sa inyo regarding Gladys and Christoph sa susunod naming kolum.


Pero balikan muna natin ang kontrobersiyal na pahayag ni Claudine tungkol kay Angelu na dumating din sa party pero maagang umalis kasama ang kanyang guwapong mister na si Wowie Rivera.


Ayun na nga, gusto na ni Claudine na matuloy ang proyekto na pagsasamahan nila nina Judy Ann Santos at Gladys. Pero si Gladys, nabanggit na kasama rin dito si Angelu.


Sabi ni Gladys kay Claudine, “Game ka ba sa reunion project natin nina Juday and Angelu?”


Sagot ni Claudine, “No, no. Ikaw lang at ako, at si Juday. Walang Angelu.”


Shocked-boogie hindi lang si Gladys sa statement ni Claudine kundi lahat ng entertainment press na inimbita ni Gladys at mga guests sa party.


Nataranta si Gladys at idinaan na lang sa tawa ang pangyayari.


After ng tsikahan ng dalawa sa stage, sinikap naming tanungin si  Claudine tungkol sa kanila ni Angelu, kung may gap ba sila ng konsehala ng Pasig.


Say sa amin ni Claudine, huwag kaming umalis at mag-i-stay din daw siya sa party. Kakain lang siya and then, magkukuwento na sa amin.


True enough, tinupad ni Claudine ang pramis niya sa amin.


Sa aming tsikahan, naikuwento ni Claudine ang pinagsimulan ng kanyang negatibong damdamin for Angelu.


Ayon kay Claudine, “Kasi, not for anything, ayoko na siyang pag-usapan. Pero alam mo, ilang taon na ‘yan, eh, paulit-ulit lang,” na halatang naiirita.


Dalawang bagay ang tinukoy sa amin ni Claudine kung bakit may 'ill-feeling' siya para kay Angelu.


“Alam mo, unang-una, ayoko na sanang mapag-usapan, ano? Pero, ako, transparent ako. Napaka-transparent ko.


“There are two instances, nu’ng nagkaproblema kami ni Jolina (Magdangal) at saka nu’ng nagkaproblema kami ng mga kapatid ko. Na uh, both times may presscon siya noon, at saka, nagbigay siya ng ano, what do you call this? Ng advice,” lahad ni Claudine.


Nagsalita raw si Angelu sa presscon ng project niya tungkol kay Claudine.


“Through the press people sa presscon na… I don’t belong to. I didn’t belong sa kung anuman ‘yung ipino-promote niya roon,” diin niya.


Hirit pa ni Claudine, “Buti kung isang beses, eh, dalawang beses.


“So… parang ang akin, ano’ng pakialam mo doon, ‘di ba?


“Kung wala kang magawa, tumahimik ka na lang, ‘di ba? Ang career mo ang pag-usapan mo, huwag ‘yung career ko. ‘Yun lang ang ano ako. Kaya ayaw ko siyang makatrabaho, kasi parang hindi siya nagbago.”


Alam daw ni Angelu ang damdamin ni Claudine sa ginawa niya. Ilang beses daw niyang tinawagan si Angelu, pero feeling ni Claudine, iniiwasan siyang kausapin nito.


Marami naman ang nagtaka na members of the press sa event sa pagkawala ni Angelu sa party.


Bukas siyempre ang pahina namin para sa panig ni Konsehala Angelu.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page