top of page
Search
  • BULGAR

CLAUDINE, GALIT NA GALIT KAY LORD

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 6, 2024



Showbiz Photo
SS from Ogie Diaz YT channel

Ang daming rebelasyon ni Claudine Barretto sa latest interview sa kanya ni kapatid na Ogie Diaz sa vlog nito sa YouTube na Ogie Diaz Inspires.


First time nagsalita ni Claudine tungkol sa nangyari sa kanila ni Rico Yan bago ito namatay 22 years ago na. 


Talagang idinetalye ng aktres ang mga bagay-bagay at estado ng kanilang relasyon ilang buwan bago namatay si Rico nu’ng March 29, 2002.


Sabi ni Claudine kung bakit nagsalita na siya, gusto niyang itama ang timeline taliwas sa inaakusa sa kanya ng mga taong hindi naman lubos na nakakakilala kay Rico at sa mga pinagdaanan nila.


Twenty-two years daw dinala ni Claudine sa dibdib niya ang mga panghuhusga sa kanya ng mga tao dahil gusto rin niyang protektahan si Rico Yan.

Pero ngayon, gusto na raw niyang isarado ang chapter na ito sa buhay niya at magsimula na uli kaya nagsalita na siya kay Ogie.


Isa sa mga nilinaw ni Claudine ay walang overlap na nangyari kina Rico at Raymart Santiago. Ilang buwan na raw silang hiwalay ni Rico na 5 yrs. niyang nakarelasyon at naka-live-in bago nagparamdam sa kanya si Raymart, at one year daw bago niya ito sinagot, kaya alam niyang hindi niya niloko si Rico at wala siyang sinaktan.


‘Yun nga lang, galit na galit daw siya sa sarili dahil ‘di niya nasagot ang 7 phone calls ni Rico Yan bago namatay. Siguro raw, kung sinagot niya ‘yun, baka iba ang nangyari.


Kaya hanggang ngayon, dala-dala niya sa loob niya ang bigat na ‘yun at sobrang guilty siya, sinisisi niya ang sarili.


But at least ngayon, after niyang magsalita, gumaan daw ang pakiramdam niya at ito na nga raw ang una at huling beses na magsasalita siya tungkol kay Rico Yan.


Samantala, nabanggit din ni Claudine na hindi maganda ang pasok sa kanya ng 2024.


“First part ng year na ito, galit na galit ako kay God, sa mga pinagdaanan ko, ang dami kong pinagdaanan talaga, lalo na ‘yung last 2 years,” kuwento ng aktres kay Ogie.

Dumating daw sa puntong ini-lock niya ang sarili sa loob ng van, nagsisigaw at sinumbatan si Lord dahil sa sunud-sunod na pagsubok na dumating sa buhay niya. 


“Bakit ang dami kong pinagdadaanan? I don’t deserve this. Lahat ng sinabi Mo, ginagawa ko,” umiiyak na tanong daw ni Claudine kay Lord. 


Nagkaroon pala ng depression si Claudine at na-diagnose raw siya ng anxiety and panic disorder.


“Sa dami ng pinagdaanan ko, dapat talaga baliw na ako, baliw na baliw na ako,” aniya pa dahil hindi raw biro ang mga pinagdaanan niya.  


“Sa sobrang trauma, kinailangan kong ma-rehab… in Thailand,” pag-amin pa ni Claudine.


At hindi lang daw once kundi twice pa siyang na-rehab du’n na nu’ng first time ay two weeks lang at ‘yung second time ay nu’ng October, 2019.


Pero paglilinaw niya, “It wasn’t because of drugs. It’s because of post-traumatic disorder.”


And thankfully naman daw, nalagpasan na rin niya ang phase na ‘yun sa buhay niya at kahit iniisip niya minsan na gusto na niyang kunin siya ni Lord, natauhan pa rin naman daw siya na paano ang mga anak niyang umaasa sa kanya kapag nawala siya?


Bilang single mom, hindi nga naman madali na magpalaki nang solo ng apat na anak (Sabina, Santino, Quia and Noah) lalo’t hindi naman daw regular ang sustento ni Raymart Santiago sa anak nilang si Santino.


Kaya nga nabanggit ni Claudine na itutuloy na raw uli niya ang demandang Violence Against Women and Children (VAWC) laban sa nakahiwalay na mister.


At pakiusap din niya kay Raymart, “Ibalik mo na ang pera ko. Para sa mga bata ‘yan, para sa mga anak ko ‘yan.”


Kung matatandaan, bago pa lang naghiwalay sina Claudine at Raymart, hinahabol na ng aktres ang pera niya sa bangko na diumano’y nagawang i-withdraw ng mister nang walang permiso niya.


Kaya wait and see na lang tayo sa mga susunod na araw kung muli nga bang magkakaharap sa korte sina Claudine at Raymart dahil sa usaping sustento at paghahabol sa pera ng aktres na diumano’y kinuha ng kanyang estranged husband.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page