top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

CLAUDINE AT JUDAY, 'DI PUWEDENG MAGSAMA SA SERYE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 9, 2024
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 9, 2024



Malapit nang magtapos ang seryeng Lovers/Liars na pinagbibidahan ni Claudine Barretto, pero tinanggap ni Ara Mina ang mag-guest sa serye at gumanap na kontrabida ni Claudine. 


Matagal nang gusto ni Ara Mina na makatrabaho si Claudine. At tiyak na magre-react ang mga fans ni Clau sa mga eksena nilang may sampalan at may pisikalan na pag-aaway. Todo ang ibinigay nilang akting sa kanilang mga eksena. 


Wish naman ng mga fans ni Claudine, sana sa susunod daw na serye ng kanilang idolo sa GMA-7, ang iba pang dramatic actress ang kanyang makatrabaho tulad nina Aiko Melendez, Sunshine Cruz, Yasmien Kurdi o Glaiza de Castro.


Labis silang nanghihinayang na hindi puwede si Judy Ann Santos na loyal sa ABS-CBN at ayaw lumipat sa GMA Network. 


'Yun pa naman ang matagal nang hinihintay ng mga fans nina Claudine at Judy Ann. 


Sana sa pelikula, may producer na pagsamahin sila. 

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page