Classic Fight ng 2019, uulitin ng Donaire at Inoue clash
ni MC - @Sports | June 7, 2022

Isang klasikong bakbakan ang susuungin nina Naoya Inoue at Nonito Donaire sa kanilang bantamweight class at uulitin ang kaganapan noong 2019 sa Japan at nangako ang dalawa na mas exciting at magandang laban ang kanilang ipakikita sa mas inaabangang sequel ngayong Martes.
Muling maghaharap sa Saitama sina "Monster" Inoue ng Japan at "Filipino Flash" Donaire para sa unification bout kung san nakataya sa unbeaten Inoue ang WBA at IBF world titles maging ang WBC belt ni Donaire.
Unanimous points ang nadale ni Inoue nang magsagupa ang dalawa sa parehong venue noong Nob. 2019, sa laban na napiling Fight of the Year ng Boxing Writers Association of America.
Gumaling na si Inoue mula sa fractured eye socket at double vision na natamo sa laban niya kay Donaire sa 11th round pero siya pa rin ang nag-uwi ng World Boxing Super Series trophy.
Ito ang unang beses na ang mabangis na si Inoue ay seryosong nabigyan ng magandang laban sa kanyang career. Wala siyang talo sa 22 niyang mga laban, nagwagi ng 19 via knockout at itinanghal na isa sa world boxing's best pound-for-pound fighters.
Nakabawi naman ang 39-anyos na si Donaire mula sa pagkatalo at naging pinakamatandang world champion sa 118 pounds (53.52kg) nang gapiin si Nordine Oubaali para sa WBC bantamweight title noong Mayo 2021.
Sa panig ni Donaire, na nakapagwagi ng 9 na world title belts sa apat na dibisyon sa kanyang 21-taon na professional career, aniya sa reporters na ang laban niya kay Inoue, "felt like an awakening".
"Since the last fight against Inoue, I've changed everything in order to become stronger -- my diet, my training, my mind set, everything," ayon kay Donaire, na dedepensahan ang kanyang titulo matapos talunin ang kapwa Pinoy fighter na si Reymart Gaballo noong Disyembre. "Now I have a strong desire to win."





Comments