Clarkson, okey na sa FIBA, Naturalized player ng Gilas
- BULGAR
- Aug 10, 2022
- 2 min read
ni MC - @Sports | August 10, 2022

Maaari lamang maglaro si Utah Jazz star Jordan Clarkson sa Gilas Pilipinas bilang naturalized at hindi lokal na player, ayon sa desisyong inilabas ng FIBA kaugnay sa protestang inihain ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.
Ayon kay spokesperson at executive director ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na si Sonny Barrios, tinanggap na ng federation ang kapalaran nito patungkol sa dating NBA Sixth Man of the Year awardee. “Hindi na puwede yung lokal. Tinanggap na namin na naturalized ang classification niya sa FIBA,” ani Barrios.
Malungkot ito dahil hangad ng Pilipinas na maging lokal ang Fil-Am gunner matapos ang paulit-ulit na pakiusap at pag-lobby sa FIBA Central Board. “We tried our best. Maraming pagsisikap na makuha ang ating kagustuhan pero gagamitin na natin siyang naturalized. There’s no turning back,” wika ni Barrios.
Magsisimula si Clarkson bilang naturalized player ngayong ika-apat na window ng 2023 FIBA World Cup Asian qualifiers ngayong Agosto kung saan makakalaban ng Gilas ang Lebanon at Saudi Arabia. “We are playing with the cards that are dealt to us,” sabi ni SBP executive director Sonny Barrios.
Makakasama ni Clarkson ang mga manlalaro ng Japan B.League na sina Dwight Ramos, Kiefer Ravena, Thirdy Ravena, at Bobby Ray Parks, gayundin sina UP Maroons star Carl Tamayo, Kevin Quiambao ng La Salle at Francis Lopez ng Ateneo sa pool kung saan kasama rin ang mga PBA players. “Gets na natin, tanggap na natin. Kaya nga tayo naman puspusan tayong gagamitin ang kagalingan at karunungan ni Jordan Clarkson the best way we can. We are playing with the cards that are dealt to us. We’ll not sit on our hands at maawa sa ating sarili. Hindi natin nakuha yung ideal, pero we’ll still move forward.”








Comments