top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Clarkson, nananaig sa kabayang si Green; LBJ, una sa All-Star votes

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 7, 2023
2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | January 7, 2023



Nakamit ng numero unong Boston Celtics ang mahalagang tagumpay sa Dallas Mavericks, 124-95, sa tampok na laro sa NBA kahapon mula sa American Airlines Center.


Kasabay nito ay nanatiling magkasama sa taas ng Western Conference ang Memphis Grizzlies at Denver Nuggets matapos ang hiwalay na panalo.


Sumakay ang Celtics sa triple double ni Jayson Tatum na 29 puntos, 14 rebound at 10 assist para wakasan ang dalawang magkasunod na talo, umakyat sa 27-12 at lumayo ng bahagya sa mga humahabol na Milwaukee Bucks at Brooklyn Nets na 25-13. Lamang ang Boston matapos ang tatlong quarter, 89-65, at hindi na pinalaro ng Mavs si Luka Doncic sa buong 4th quarter at nagtapos na may 23 puntos.


Sa isa pang laro, nanaig muli si Jordan Clarkson at Utah Jazz kay kabayan Jalen Green at Houston Rockets, 131-114. Umapoy para sa 49 puntos si Lauri Markkanen habang 19 puntos si Clarkson sa kanyang duwelo kay Green na gumawa ng 30 puntos subalit hindi ito sapat para ihatid ang panalo sa Rockets.


Samantala, inilabas ng NBA ang paunang resulta ng online botohan para sa 2023 All-Star at si LeBron James ang may pinakamarami na 3,168,694 boto. Maaaring bumoto hanggang Enero 20 sa NBA app o NBA.com at ipasok sa All-Star sina Clarkson at Green.


Sinusundan si LBJ sa West nina MVP Nikola Jokic (2,237,768) at Anthony Davis (2,063,325). Si Stephen Curry ang numero uno sa lahat ng guwardiya (2,715,520) at sinusundan ni Doncic (2,388,502).


Sa East, pasok sa ngayon sina Kevin Durant (3,118,545), Giannis Antetokounmpo (2,998,327) at Joel Embiid (2,226,712). Si Kyrie Irving ang numero unong gwardiya (2,071,715) at sinusundan nina Donovan Mitchell (1,637,374).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page