CIDG at NBI, sumalakay sa iba-ibang lugar... Walang Bato
- BULGAR

- 10 hours ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | May 28, 2026

Photo: Ang bahay ng umano'y tiyuhin ni Sen. Robinhood Padilla sa Brgy. Balibago, Angeles City, Pampanga na sinalakay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation at PNP-Criminal Investigation and Detection Group kung saan nagtatago umano si Sen. Ronald 'Bato' dela Rosa. (Jeff Tumbado)
Sinalakay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation at PNP-Criminal Investigation and Detection Group ang isang bahay sa loob ng subdivision kung saan pinaghihinalaang nagtatago si Senador Ronald "Bato" dela Rosa.
Miyerkules ng umaga nang palibutan ng mga awtoridad ang bahay sa Brgy. Balibago, Angeles City, Pampanga subalit nabigong matagpuan ang senador.
Sa panayam ng media kay Brgy. Chairman Joseph Ponce, ang nagmamay-ari ng nasabing bahay ay si Lakay Cariño, na sinasabing tiyuhin ni Sen. Robin Padilla.
“Akala ng mga imbestigador na habang bumabiyahe mula sa Senado si Senator Bato, lumipat siya sa pick-up truck ni Sir Lakay Cariño. Kaya pinasok nila ang bahay nito,” paliwanag ni Ponce.
Ayon pa kay Ponce, sinabi umano ni Cariño noong nakaraang linggo na may ilang tauhan ng CIDG na nagtatanong tungkol sa kanya sa homeowners’ association.
“Dahil doon, sinabi niya sa akin na babalik muna siya sa Maynila, kaya wala na roon ang pick-up truck at alam kong wala talaga,” dagdag nito. Ipinaliwanag din ni Ponce na si Cariño ang kanyang security consultant at presidente ng senior citizens group ng subdivision.
Samantala, bukod sa Angeles City, nagsagawa rin ng operasyon ang mga tauhan ng CIDG at NBI sa Parañaque City at Bulacan nitong Miyerkules.





Comments