CIARA, TODO-DENY NA TSUGI NA ANG SHOW NILA NINA RUFFA AT MARIEL SA ALLTV
ni Julie Bonifacio @Winner | March 9, 2023

Pinabulaanan ni Ciara Sotto ang tsikang mawawala na ang programa nila nina Ruffa Gutierrez at Mariel Rodriguez sa AllTV, ang Mhies On a Mission o M.O.M.s.
“Hindi po (‘yun) totoo. Sinasabi po kasi nila na nawala na ‘yung show, that’s not true,” paglilinaw ni Ciara.
Nakausap namin si Ciara sa grand media launch ng NDM Studios na pag-aari ni Direk Njel de Mesa.
Patunay pa ni Ciara na ‘di mawawala sa ere ang show nila, “We still promote every single day. We just paused for a while, while they’re fixing some technical problems. Pero they’re still airing our show.”
Also, ang dami pa rin daw nilang pondo or taped episodes bago sila tumigil.
Tiniyak pa raw sa kanila ng management na babalik sila ulit para mag-show.
At ayon pa rito ay nagbigay umano ang management ng 1-2 months rest dahil sa technical problem.
Binanggit naman ng aktres na inaayos ang transmitter ng ALLTV kaya tigil umano lahat ng shows nila.
Clueless rin ito kung bakit may sumabog na ganyang isyu sa programa nila.
Samantala, kasali rin si Ciara sa Subtext, isa sa mga episodes sa latest trilogy movie ni Direk Njel.
“Partner ko rito si Paolo Contis. Nag-shooting kami for one day for that film because ‘yun nga, it’s unconventional kasi may pagka-comedy siya na biglang nagiging serious.”
Subtext is based on the script na napanalunan ni Direk Njel bilang 1st Prize Don Carlos Palanca awardee which reminisces about the time when cellular phones had limited characters and capabilities.
Ang dalawa pang episodes na kasama sa trilogy film ay ang True or False Positive at Aberia.
Ang True or False Positive ay pinagbibidahan nina Arnold Reyes, Neil Coleta at Mayton Eugenio.





Comments