CIARA, NAGSALITA NA KUNG ANO’NG MERON SILA NI JAMES YAP
- BULGAR
- Nov 24, 2022
- 1 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 24, 2022

Nahihiya si Ciara Sotto kay James Yap na nali-link silang dalawa ngayon dahil happily married nga naman ‘yung tao at may mga anak pa.
Panay kasi ang tukso ng press kay Ciara sa mediacon ng bago niyang morning talk show na M.O.M.S. sa AllTV with Ruffa Gutierrez and Mariel Rodriguez.
Pati nga sina Ruffa at Mariel ay nakikitukso rin.
“Hindi totoo, nakakahiya,” paglilinaw ni Ciara.
Hindi nga rin daw niya maintindihan kung bakit sila na-link gayung nagkatabi lang sila sa birthday party ni Annabelle Rama.
“Ay, seatmate ko lang sa birthday ni Tita Annabelle, that’s it. Never ko na pong nakita or nakausap. Nakakahiya,” sey niya.
As we all know ay ilang taon na ring hiwalay si Ciara sa kanyang ex-husband na si Joe Oconer.
Nang matanong sa kanyang love life, aniya ay happy siya being single. Pero ang nakakaloka, ayaw tumigil nina Ruffa at Mariel sa pambubuska sa kanya.
“Parang iba ‘yung nakikita namin,” pang-aasar ni Ruffa.
Umayon naman si Mariel, “Kilig na kilig siya.”
Sey pa ni Ruffa, “Eh, kasi kailangan, athletic. Kasi athletic si Ciara.”
Siyempre, tila tinutumbok ni Ruffa si James though wala naman siyang binanggit na pangalan.
Tawa lang nang tawa si Ciara.
Anyway, first talk show ever ni Ciara ang M.O.M.S. at bilang baguhan nga as a TV host, aniya ay napakarami niyang natututunan kina Mariel at Ruffa. Enjoy na enjoy nga raw siya sa set dahil napakasarap daw katrabaho ng dalawang moms.
Magsisimula na ngayong Nov. 28 ang M.O.M.S., 11 AM to 12 NN sa AllTV Channel 2.





Comments