top of page

CIARA, GAME MAINTERBYU ANG EX NA SI JOHN LLOYD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 26, 2022
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | November 26, 2022



Thankful si Ciara Sotto kina Ruffa Gutierrez at Mariel Padilla na mga co-hosts niya sa morning talk show na M.O.M.S. (Mhies On A Mission) dahil inaalalayan siya at tinutulungan upang madali siyang maka-adapt sa kanilang show.


Si Ciara ang pinakabata sa tatlong hosts ng M.O.M.S. kaya nag-a-adjust pa siya. Mas matagal nang nagho-host sa TV sina Ruffa at Mariel kaya malawak na ang experience sa pagho-host ng talk show. Humihingi rin ng advise si Ciara kina Ruffa at Mariel kung paano maging effective na TV host.


Pare-pareho nang mommies sina Ciara, Ruffa at Mariel kaya kahit paano ay nakakapag-share si Ciara ng kanyang experience being a single mom.


Panay naman ang tukso at biro nina Ruffa at Mariel kay Ciara kapag may nami-meet itong guy sa mga events na kanilang pinupuntahan. Pero, at this point of her life, sinabi na ni Ciara na wala sa plano niya ang magkaroon ng karelasyon.


Aminado siyang na-trauma sa lalaking kanyang pinakasalan at ama ng kanyang anak.


Kaya, ang kanyang prayoridad ngayon ay ang kanyang career at hindi ang magkaroon ng love life.


Magandang exposure ang maibibigay sa kanya ng programang M.O.M.S.. Mas huhusay pa siya sa pagho-host.


Well, given the chance, ang dream interview ni Ciara Sotto ay ang dating First Lady Imelda Marcos. Gusto rin ni Ciara na ma-interview sa M.O.M.S. ang kanyang parents na sina Sen. Tito Sotto at Helen Gamboa.


Biniro naman ng press si Ciara na dapat ay si John Lloyd Cruz na kanyang ex-boyfriend ang kanyang ma-interview upang makumusta ito.


Birong sagot din ni Ciara, kapag si JLC ang naging guest nila, tatanungin niya ito kung sino ang na-miss sa kanilang dalawa ni Ruffa Gutierrez na ex-GF din ng aktor.

Exciting 'yan, ha?!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page