Chrome Bell, nanalo sa 3-YO Maiden Race
- BULGAR
- May 22, 2023
- 1 min read
ni Green Lantern @Renda at Latigo | May 22, 2023
Nagpasiklab si Chrome Bell noong Sabado ng hapon matapos nitong sikwatin ang panalo sa 2023 PHILRACOM 3-Year-Old & Above Maiden Race na inilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.
Hindi inapura ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez si Chrome Bell sa largahan kaya pumuwesto ito sa pang-apat. Nagtatagisan naman ng bilis sa unahan sina Eyevan at Deus Ex Machina pero pagdating ng far turn ay kumukuha na ng bandera ang Chrome Bell.
Kaya naman sa huling kurbada ay apat na kabayo na ang lamang ni Chrome Bell at umabot pa sa siyam pagtawid nito sa finish line. Nagtala si Chrome Bell ng tiyempong 1:26.2 sa 1,400 meter race sapat upang mapunta ang added prize na P20,000 sa Bell Racing Stable.
Dumating na segundo ang Special Secretary, tersero ang Deus Ex Machina habang pumang-apat ang Suddenly sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Samantala, siyam na races ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) kahapon ng Linggo kaya naman naging masaya ang mga karerista sa kanilang pananaya. Sa Race 1 pa lang ay nakapanood na agad ng magandang karera ang mga karerista at para sa kanila ay sulit at masaya ang kanilang pananaya.





Comments