Chrome Bell at Tell Bell, sanib-puwersa
- BULGAR
- Feb 1, 2023
- 1 min read
ni Green Lantern @Renda at Latigo | February 1, 2023
Magsasanib-puwersa sina Chrome Bell at Tell Bell sa magaganap na 2023 PHILRACOM "3-Year-Old Maiden Stakes Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas sa Pebrero 12, 2023, (LInggo).
Makakatagisan ng bilis nina Chrome Bell at Tell Bell ang ibang nagsaad ng pagsali na sina Prime Billing, Glamour Girle, Grand Moments, Cash On Hand, Melania, Runway Ten at Song Bird.
Sasakyan ni Pabs Cabalejo si Chrome Bell habang si former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey-of-the-Year awardee Jonathan Hernandez ang sasakay kay Tell Bell sa event na nakalaan ang P1.2-M garantisadong premyo.
Sina Chrome Bell at Tell Bell ay mula sa Bell Racing Stable puntirya nila na masilo ang P720,000 premyo sa karerang suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Masusungkit ng second placer ang P240,00, iuuwi ng third ang P120,000 habang tig P60,000, P36,000 at P24,000 ang fourth, fifth at sixth ayon sa pagkakahilera.
Nakaraan ang nagwagi si Tell Bell sa trial race na pinasibat sa nasabing pista, sumegundo si Prime Billing at tersero si Glamour Girle.
Subalit ayon sa mga kareristang nakasaksi ng laban ay posibleng hindi pa itinotodo ng ibang kalahok ang kanilang lakas kaya posibleng may biglang bumulagang ibang kabayo sa aktuwal na laban.
"Hindi natin alam, na baka hindi ipinapakita noong ibang kasali 'yung tunay na takbo, kaya para sa akin ay anybody's race 'yan," saad ni Lamberto Gonzales, veteran karerista.





Comments