top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Chrome Bell at Petron lalarga sa 3-YO Maiden Race

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 8, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | March 8, 2023


Ilang tulog na lang at makikilatis ang husay nina Chrome Bell at Petron sa paglarga ng 2023 PHILRACOM 3-Year-Old Maiden Stakes Race sa darating na Linggo sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas.


Inaasahang magandang laban ang masisilayan ng mga karerista dahil may 14 na kabayo ang posibleng magtagisan ng billis sa distansiyang 1,400 meter race.


Gagabayan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA), Jockey-of-the-Year awardee Jonathan Basco Hernandez si Chrome Bell habang si class A rider Jeffrill Tagulao Zarate ang rerenda kay Petron.


May nakalaan na garantisadong P1.2-M premyo na ikakalat sa unang kabayong tatawid sa meta sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Ang ibang nagsaad ng pagsali ay sina Barrowed Heaven, Destin Guest, Easy Way, I Under Oath, Kanyon For Freedom, Pay D Lady, Runway Ten, Save My Savings, The Alpha Male, Uncle Vhines, Whamos at WolfGang.


Kukubrahin ng mananalong kabayo ang P720,000, mapupunta sa second placer ang P240,000 habang tig-P120,000, P60,000, P36,000 at P24,000 ang sa third hanggang sixth ayon sa pagkakahilera.


Hahamigin ng breeder ng winning horse ang P60,000 habang may ibubulsa na tig-P36,000 at P24,000 ang second at third placers.


Ayon sa mga karerista, mahirap mamili ng tatayaang kabayo sa nasabing lineup ng maglalaban dahil mga dekalidad ang mga sasabak sa karera.


Kaya naman tiyak na pag-aaralan ng racing aficionados ang performances ng mga kasali upang makapili ng kanilang tatayaan.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page