CHRISTOPHE, MINAMADALI NANG PAKASALAN SI NADINE
ni Nitz Miralles @Bida | April 16, 2023

Kinakiligan ng mga netizens ang mga ipinost na photos ng boyfriend ni Nadine Lustre na si Christophe Bariou sa social media at maging ang caption na inilagay nito sa throwback at recent pictures nilang magkasintahan sa Pinto Art Museum.
"Same, same. But kinder, wiser, stronger and more in love," at may kasamang "2021/2023."
Ang 2021 ay ang unang pagbisita nina Nadine at Christophe sa nasabing art museum, habang ang 2023 ay ang muli nilang pagpunta roon.
Ang ibig sabihin ng "same, same" ay walang ipinagbago ang lugar two years ago at ang nabago lang ay he is "more in love" with Nadine.
Ang cute ng comment ng isang netizen na "No pressure, but get married already," at sinundan ng mga comments na… "Thank God, Nadine is in good hands," at "She's a queen. Keep her."
Marami rin ang nag-comment na "Stay in love" at panalo rin ang comment na "Praying and hoping that it will be forever."





Comments