Christmas gift ni Carlos? CHLOE, MAY SUOT NA P1M SINGSING
- BULGAR
- 2 hours ago
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | December 6, 2025

Photo: IG _chloeanjeleigh
Idinispley ng girlfriend ni Olympic gold medalist Carlos Yulo na si Chloe San Jose ang kanyang braless cream silk dress sa recent Instagram (IG) post niya.
Napakaseksi ng outfit ni Chloe dahil litaw ang side ng bandang dibdib. Almost kita na ang magkabilang gilid ng kanyang boobs.
At sa lower part naman ng damit, bukod sa mataas na slit ay meron pang butas sa isang gilid ng kanyang balakang. Kaya hirit ng mga netizens, wala ring suot na underwear si Chloe.
Pero ang isa pang hindi nakaligtas sa mga mata ng mga netizens ay ang suot na singsing ni Chloe.
Sey ng isang netizen, “That rubellite ring is sooo Christmas coded! Happy Holidays, Chloe & Carlos!”
Nag-reply lang si Chloe ng mga emojis na stars, Christmas tree at red heart.
Ayon sa Google, nagkakahalaga ang isang rubellite ring ng mahigit P1 million.
Hindi kaya ang rubellite ring ang Christmas gift ni Carlos Yulo kay Chloe San Jose? Or puwede ring engagement ring, ‘di ba?
Puring-puri ni Will Ashley ang kanyang direktor sa Bar Boys 2: After School (BB2AS) na si Kip Oebanda. Kung sa loob ng Pinoy Big Brother (PBB) house ay hindi umiyak si Will kahit minsan, sa shoot ng pelikula, siyam na beses umiyak ang young actor.
Pahayag ni Will, “Actually, ‘yun nga po ang pinag-usapan namin ni Direk Kip, eh, nu’ng paglabas ko ng Bahay ni Kuya. Kasi after po ng Big Night (PBB) namin, mga 3 to 4 days, nag-shoot na po agad kami para sa Bar Boys 2: After School.
“Nu’ng nagwo-workshop po kami, laging sinasabi sa akin ni Direk Kip na parang lumalim nga raw po o lumawak ‘yung range ko. Feeling ko rin nga po kasi, ang tagal ko rin pong nakulong du’n sa Bahay ni Kuya.”
Nakausap namin si Will sa mediacon ng BB2AS na isa sa official entries sa 2025 Metro Manila Film Festival (MMFF).
Bukod sa BB2AS, may isa pang pelikula si Will na ipapalabas sa December 25. Pero bago mag-Pasko ay may parada muna ang lahat ng entries. Mapagbigyan kaya niya na sumakay sa float ng dalawa niyang MMFF entries?
Paliwanag ni Will, “Bale ‘yun nga po, ‘yung parang first lead role ko and kasama po s’ya (BB2AS) sa MMFF. But siyempre, ita-try ko pa ring i-balance of course.
“Kasi itong dalawang pelikula ko, malapit po talaga sa puso ko. At saka malaki po talaga ang impact sa akin, ibina-value ko po talaga nang sobra. So let’s see, let’s see po, baka puwedeng lumipat. Puwede naman pong dalawang floats ang masakyan, ganyan. Why not, ‘di po ba?”
As early as now, ang dami na agad na-accomplish ni Will paglabas niya ng Bahay ni Kuya. Dati kasi ay pa-support-support lang ang aktor.
“Actually, sobrang nakaka-shocked pa rin ang mga pangyayari kasi sobrang biglaan po, eh. Nagulat lang din po ako na biglang paglabas ko, wow! Ganu’n na ‘yung naging takbo ng karera ko,” lahad niya.
Dagdag pa ni Will, “But at the same time, ‘pag binabalikan ko ‘yung mga araw, mga taon na ginugol ko para sa pagtupad ng mga pangarap ko, masasabi ko na kahit paano, worth it naman talaga s’ya. And nakakatuwa po kasi ‘yung mga pangarap ko lang dati ay unti-unti nang natutupad ngayon.”
Samantala, kahit pinagsasabong sila ni Dustin Yu over Bianca de Vera, dedma lang si Will.
Sey ni Will, “Ako po, I don’t really find it as competition talaga, eh. Ako, whenever po ako na binibigyan ng trabaho, ginagawa ko lang po ang best ko. Kumbaga, 100% lang talaga every time na character ang ipino-portray ko.
“Kumbaga, it’s up to the people na po kung paano nila tatanggapin talaga ‘yun. And s’yempre, ‘yung trust ng mga director sa akin, ‘yun po talaga ang pinakaimportante.
“Gusto ko po kasi talaga ‘pag umaarte ako, makaiwan ako ng parang lessons s’yempre. Maiwan ‘yung character, tumatak ‘yung character na ipino-portray ko.
“At gusto ko mabigyan ng magandang buhay ‘yung family ko, ‘yung mom ko at saka ‘yung sarili ko. Kaya po talaga gusto kong mag-work to entertain other people, makapag-inspire. ‘Yun po ‘yung focus ko ngayon.”
Ang 901 Studios na producer ng Bar Boys 2 ay pag-aari nina Leo Liban, Jon Galvez at Carlos Ortiz.
Ang original cast ng Bar Boys ay kasama pa rin sa BB2AS sa pangunguna nina Carlo Aquino, Rocco Nacino, Enzo Pineda and Kean Cipriano.




