Chloe, wa’ respeto sa papa ni Caloy, sinagut-sagot ng pabalang
- BULGAR
- Sep 8, 2024
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | September 8, 2024

BAKA IKATALO NI SEN. DELA ROSA ANG IMBESTIGASYON KAY GEN. TORRE NA NAMUNO SA RAID SA KOJC COMPOUND -- Wala bang adviser si Sen. Ronald dela Rosa para sabihan siyang huwag nang pamunuan ang pag-iimbestiga kay Davao Region Police Director, Brig. Gen. Nicolas Torre tungkol sa pamumuno nito sa pagpapatupad ng warrant of arrest laban kay Pastor Apollo Quiboloy sa loob ng compound ng Kingdom of Jesus Christ sa Davao City?
Sabihin na natin na ang gusto lang naman ni Sen. Dela Rosa ay malaman kung may paglabag ang mga pulis sa operasyon sa loob ng compound ng KOJC, kaya nga lang ay iba ang naging impresyon dito ng majority Pinoy, kesyo kinakampihan daw niya si Quiboloy.
Ang nais nating ipunto rito ay reelectionist si Sen. Dela Rosa sa 2025 midterm election, baka ikatalo niya ang sa tingin ng publiko pagpanig niya sa pastor, kasi sa totoo lang mas maraming Pinoy ang gustong mahuli at makulong si Quiboloy dahil ang mga kaso nito ay sexual abuse at human trafficking, period!
XXX
WALANG MASAMA SA PANAWAGAN NG PAPA NI CALOY SA ANAK NA MAG-SORRY SA MAMA NIYA, PERO MINASAMA NG KANYANG DYOWA -- Kahit itinakwil na ni double gold medalist Carlos Yulo ang kanyang pamilya, masakit pa rin sa ama niyang si Mark Yulo na naba-bash sa social media ang anak na si Caloy dahil sa isyung suwail siyang anak, walang kuwentang kapatid at apo. Kaya ang ginawa ng papa niya ay nanawagan sa anak na mag-sorry sa ina na sinabihan niyang magnanakaw para raw gumanda ang imahe nito sa publiko at matigil na ang pamba-bash sa kanya (Caloy) sa social media.
‘Ika nga, walang masama sa post ng ama dahil nagmamalasakit lang ito sa anak, pero minasama ito ng dyowa ni Caloy na si Chloe na dapat daw ay sabihan din nito (papa ni Caloy) si Angelica Yulo, ina ni Caloy na isinumpa ang anak.
Napakawalang respeto naman, imbes mag-comment si Chloe na papayuhan niya si Caloy na mag-sorry, aba’y sinagut-sagot pa ng pabalang ang papa ni Caloy, tsk!
XXX
PAGPAPA-SELFIE KAY ALICE GUO, ‘WAG NA KUWESTIYUNIN KASI ANG DAMI RIN NAMANG NAGPAPA-SELFIE SA MGA ‘BUWAYANG’ POLITICIANS -- Hindi na dapat pang kuwestiyunin kung nakipag-selfie man kay former Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac ang mga otoridad na pumick-up sa kanya sa Indonesia, at maging dito sa ‘Pinas.
Uso naman kasi talaga sa ‘Pinas ang selfie, at patunay diyan ‘yung mga taong nagpapa-selfie sa mga “buwayang” politician, boom!
XXX
SANA LAGING ANNOUNCEMENT NG PSA TOTOO -- Inanunsiyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na pumalo na sa higit 2.38 milyong Pinoy ang jobless sa ‘Pinas.
Sana laging ganyan ang announcement ng PSA, makatotohanan. Hindi ‘yung fake news na maraming may work sa ‘Pinas kahit wala namang foreign investors na pumapasok sa bansa, period!
Comments