CHIZ, SINAKYAN LANG ANG TRIP NI HEART NA LAGING PINAG-UUSAPAN
- BULGAR
- Nov 11, 2022
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | November 11, 2022

Dahil sa latest post ni Heart Evangelista na bumalik na siya sa bahay nila ni Sen. Chiz Escudero, may mga netizens ang nagsasabing isa lang palang malaking "drama” ang diumano ay paghihiwalay nila ng kanyang mister.
Drama rin lang ang kanyang post na mga hugot na todo-emote sa kanyang nararamdamang kalungkutan, ganu'n din ang pagbili niya ng apartment sa Paris, France para ru'n na siya manirahan.
Lahat ng ginawa at ginagawa pala ni Heart Evangelista ay para sa kanyang career sa fashion world at upang manatili siya sa limelight at patuloy na pinag-uusapan ng lahat.
Gustung-gusto ni Heart na lagi siyang sentro ng balita sa showbiz at tumaas pa ang kanyang premium.
Ganunpaman, alam ng mga showbiz critics na hindi ganoon kadali para kay Heart ang makipaghiwalay kay Sen. Chiz at tuluyang iwanan ang 'Pinas.
Ang pananahimik naman ni Sen. Chiz Escudero sa issue ng hiwalayan ay malaking palaisipan sa lahat. Kahit na nga inakusahan pa siya na nambabae at nakabuntis pa, he remained a true gentleman, a man of few words at never na siniraan ang babaeng kanyang pinakasalan.
Hinayaan lang niya si Heart na mag-enjoy sa kanyang pagiging fashionista at jetsetter.
Hindi niya pinigilan ang pangarap ni Heart na rumampa at makilala sa fashion world sa Paris at New York.





Comments