top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Chiz, para matulungan… HEART, GINAMIT ANG KASOSYALAN MAI-PROMOTE LANG ANG SORSOGON

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 7, 2021
1 min read

Updated: Jan 9, 2021

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | January 7, 2021




Malaking tulong para sa turismo ng Sorsogon ang ginagawang pagpo-promote ng Kapuso actress na si Heart Evangelista sa lalawigan na pinamumunuan ng kanyang mister na si Gov. Chiz Escudero.


Gagawa pa ng serye ang GMA Network na pagbibidahan ni Heart at doon na mismo sa Sorsogon kukunan ang mga eksena sa I Left My Heart In Sorsogon.


Tiyak na ipapakita rin dito ang iba't ibang magagandang lugar sa Sorsogon upang makaakit ng mga local at foreign tourists.


Sobra ang pagmamalasakit ni Heart sa Sorsogon kaya pati ang mga handicrafts ng lalawigan ay kanyang ipinagmamalaki at ipino-promote, maging sa ibang bansa.


Isang fashionistang socialite ang role ni Heart sa I Left My Heart in Sorsogon kaya tiyak na mairarampa niya ang kanyang mga outfits na ginamit niya sa Paris Fashion Week at sa New York fashion shows.


Natutuwa at nagpapasalamat naman si Sorsogon Governor Chiz Escudero sa suporta ng kanyang First Lady sa turismo ng lalawigan. Na-appreciate niya ang mga projects na ginagawa ng kanyang maybahay para sa Sorsogon.


Masuwerte ang mga Sorsogonions dahil ang kanilang magagandang tanawin ay mapapanood na ng marami kapag umere na ang I Left My Heart in Sorsogon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page