CHIE, PUMALAG SA ISA SA MGA SUSPEK SA BINTANG NA RAPE KAY DACERA
ni Julie Bonifacio - @Winner | October 8, 2022

Tinawag ni Chie Filomeno na "clout chaser" ang isa sa mga suspek sa bintang na pangre-rape sa namatay na flight stewardess na si Christine Dacera — si Valentine Rosales — pagkatapos nitong mag-comment sa Facebook post ng Kapamilya star ng kanyang larawan sa passport at driver’s license.
Comment ni Valentine sa FB post ni Chie, “'Kala ko si Ano…”
Hindi nagustuhan ni Chie ang comment ni Valentine kaya ‘di niya napigilang mag-react dito.
Say ni Chie kay Valentine, “Alam mo, tumigil ka nang clout chaser ka. Let her (Dacera) rest in peace.”
Rumesbak naman si Valentine kay Chie, “HAAA? 'Kala ko si Nadine (Lustre)! Ano ba'ng sinasabi mo?”
Dagdag pa ni Valentine, “Mas magaling ka pa din, nakapag-earrings ka nga sa pic kahit bawal, eh."
Nag-react ulit si Chie sa reply ni Valentine, especially sa pagpansin ng flight steward sa suot niyang hikaw sa picture sa kanyang driver’s license.
“Ayan na comeback mo? Sa passport, BAWAL hikaw. Sa DL (driver's license) kaya, 'wag lang sa lalaki,” post ni Chie.
Dinepensahan naman ng mga netizens si Chie sa naging sagutan nila ni Valentine sa socmed.
“Mas magaling ka, Valentine, nakapag-party kahit may COVID.”
“Mas maganda naman si Chie.”
“What an AH... She died while partying with them, tapos ganyan niya kung i-disrespect.”
“Wahahaha! Sunog 'yung Valentine na 'yan kay Chie.”
'Yun na!





Comments