- BULGAR
Chef pero wa' raw diskarte… MASTERCHEF CONTESTANT NA NANLAIT KAY JUDAY, NIRESBAKAN NG MANAGER
ni Nitz Miralles - @Bida | July 17, 2022

Ang panawagan ng talent manager at close friend ni Judy Ann Santos na si Noel Ferrer, spare the actress from bashing at hate comments dahil sa naging pahayag na itinigil muna niya ang kanyang cooking vlog dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Nabanggit ni Judy Ann sa Magandang Buhay na mahirap mag-isip ng episodes dahil nga sa malalang pagtaas ng presyo ng bilihin.
“Ayokong hindi maka-relate ang viewers sa kung anumang lutuin ang gagawin ko. Kasi parang napaka-unfair naman, ‘di ba? Ayoko lang na parang masabihan ako ng ‘Luto ka nang luto, hindi naman namin magagawa ‘yan.' Hindi naman ako pumapatol, pero after lang ako doon sa reality ba?”
Isa sa mga nag-react kay Judy Ann si Pebbles Cunanan, naging contestant sa Masterchef: Pinoy Edition na kung inyong natatandaan, si Judy Ann ang host.
Sabi ni Pebbles, “Diskarte ghorl... mag-isip ka ng mga puwede mong ipalit na ingredients juicemio... palibhasa sa mamahaling culinary school nag-aral, eh.”
May mga bumatikos pa kay Judy Ann dahil sa naging pahayag, kaya idinepensa siya ni Noel Ferrer.
“Nagdesisyon si Juday kung ano ang gagawin niya sa Judy Ann’s Kitchen YT show niya, at valid naman ang reason niya.
"‘Yung iba na may opinyon, ok naman na ipahayag ‘yun, pero sana, ‘yung tamang timpla lang at hindi puro pait ang lumalabas sa bibig.
"Kung gusto nating maghain ng statement sa publiko, ‘yun naman sanang madaling tunawin, hindi nakababara; at tunay na nakabubusog.”