Chef, nagreklamong nauubusan na… JUDAY, TINURUAN NG NETIZENS NG MGA PUWEDENG LUTUIN
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | July 17, 2022

Sa panahon ngayon na sobrang mahal ng lahat ng bilihin, umaangal na rin si Judy Ann Santos na hirap na siyang mag-vlog para sa kanyang Judy Ann's Kitchen.
Matagal-tagal na rin na hindi siya nakakapag-vlog. Hindi na raw niya alam kung ano ang kanyang lulutuin para sa content ng kanyang vlog. Ayaw naman niyang kulang-kulang ang kanyang mga rekado para sa kanyang mga recipes.
Kaya malaking challenge sa tulad niyang chef kung ano ang puwedeng lutuing recipe na afford ng mga ordinaryong tao lamang.
Pero kung tutuusin, hindi naman kailangan na laging bonggacious ang recipe na iluluto ni Juday. Marami ngayon ang sanay nang mag-ulam ng gulay upang makatipid sa budget.
May mga netizens ang nagsa-suggest kay Judy Ann na i-try niyang magluto ng regional dishes. Maraming Bicolano, Ilocano at Visayan dishes na puwede niyang iluto.
Famous ang Bicol Region sa laing at Bicol express. Sa Ilocos ay pambato ang pinakbet at dinuguang Ilocano at adobong puti. Sa Visayas naman ay may kakaibang luto sa sari-saring gulay na ang tawag ay laswa. Ang mga Kapampangan ay kilala sa sarap ng kanilang sisig at buro.
Kung ang mga regional recipes ang magiging content ni Juday sa kanyang vlog, tiyak na maraming viewers ang matutuwa dahil iba't ibang recipes ang kanilang matututunan.





Comments