top of page
Search
  • BULGAR

CHAVIT, MAMUMUDMOD NG DATUNG SA B-DAY, MAY PAAYUDA PA SA E-JEEP

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Abril 22, 2024




Masaya at napuno ng tawanan, chikahan at kantahan ang pa-dinner ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson sa mga miyembro ng Society of Phil. Entertainment Editors (SPEEd) sa mismong bahay (ay, correction, mansiyon pala) niya sa Corinthian Gardens last Saturday night.


Bukod sa napakainit na pagtanggap ni Gov. Chavit sa aming mga bisita niyang Entertainment editors ng iba't ibang pahayagan, pang-hotel pa ang pa-lafang ni Gov., at pati ang picture taking ng grupo kasama siya, sobrang high-tech, pramis!


Pero ang pinakagusto at na-appreciate namin nang bongga ay ang pagiging very open ni Gov. Chavit sa aming one-on-one interview sa kanya.


So far, ito na ang maituturing naming "the best" interview among all the celebrities and public figure na nakapanayam namin dahil "no holds barred" talaga at bilib na bilib kami sa pagiging honest sumagot ng dating pulitiko-businessman.


Sabi nga namin kay Manong Chavit (tawag ng mga ka-close niya), "sana all" tulad niya 'pag iniinterbyu, walang pretensiyon at 'di nagsisinungaling.


Yes, true, proud niyang sinabi na 'di raw kasi siya sinungaling kaya madalas ay nama-Marites (read: nahe-headline) siya, hahaha!


'Di ba nga recently ay na-headline siya nang mahuli ang sasakyan niya sa EDSA bus lane?


Aminado naman daw siyang nagkamali siya ru'n kaya natuwa siya sa MMDA enforcers na nanghuli sa kanya kahit pa nakilala siya ng mga ito.


At bilang reward nga sa pagiging tapat ng mga ito sa kanilang trabaho at bilang bayad na rin sa kanyang violation, nagbigay nga siya ng P200K sa MMDA.


Pero kahit sinasabing ilegal daw ang kanyang ginawa, ang katwiran ni Gov. Chavit, may resibo naman 'yun kaya bakit sasabihing ilegal?


Biniro namin si Gov. Chavit na sa sobrang dami niyang pera, wala na siyang mapaglagyan kaya ipinamimigay na lang niya.


FYI lang sa mga hindi pa nakakaalam, may mga charity works ang dating gobernador at ang dami niyang natutulungan na humihingi ng tulong at nagbibigay din siya ng maraming trabaho sa ating mga kababayan with his different businesses here and abroad tulad ng food chain, mining, public transport, construction, retail at kung anu-ano pa


In fact, ang latest advocacy nga ni Manong Chavit ay makatulong sa mga jeepney operators na biktima ng modernization. 


Dadalhin daw ng LCS Holdings ang mga electric jeepney na galing abroad dito sa 'Pinas at pababayaran sa mga jeepney operators ng half the price lang. Kung P2.4 M daw ang halalga ng e-jeep, P1.2 M na lang pababayaran ng company ni Gov. Chavit.


Kaya naman, natanong namin ang big time businessman kung bakit niya ito ginagawa at ang sagot niya, "payback time" raw ito dahil aminado naman siyang 'di rin siya perfect at marami rin siyang nagawang pagkakamali in the past.


So, nu'ng kumita na nang bonggang-bongga ang kanyang mga negosyo, eto na nga, na-realize raw niya na hindi naman niya madadala lahat sa langit 'yan kaya might as well ipamudmod na lang niya at itulong sa mga nangangailangan.


Tulad na lang sa kanyang nalalapit na birthday sa June 21, abangan daw dahil marami siyang ipapamigay at ipapa-raffle sa ating mga kababayan kaya tutok lang sa kanyang mga social media sites para maging updated at malaman kung paano makakasali, ha?


Pero nilinaw din naman ni Gov. Chavit na 'yung mga tinutulungan niya ay talagang mga deserving at masisipag na tao. Ayaw daw niya sa mga humihingi lang, ang gusto niya ay 'yung nakikita niyang talagang nagsisikap sa buhay para worth it ang kanyang pagtulong.


Anyway, dahil nga sa mga charity works and advocacies ni former Gov. Chavit Singson kaya siya ang napiling bigyan ng SPEEd this year ng IVR o Isah V. Red Award sa gaganaping EDDYs Awards Night on July 7. 


Ayon sa aming presidente sa SPEEd na si Mareng Salve Asis, “This recognition (Isah Red Award) is given to individuals like him — a dynamic and spirited renaissance man with a deep love for God, country and community — who, beyond the realm of entertainment, had so enriched and made a difference in the lives of many, in his most colorful, gregarious and inimitable way.”


FYI, guys, ang mga una nang recipients ng IVR award ay sina Senator Bong Revilla, Jr., Angel Locsin, Kim Chiu, Ramon Ang, Ms. Rei Anicoche-Tan ng Beautederm at si Ms. Claire de Leon-Papa ng Unilab for their humanitarian efforts toward alleviating conditions of people adversely affected by the COVID-19 pandemic.


So, guys, next time, more chika pa sa mga napag-usapan namin ni Gov. Chavit Singson, or you may also watch our one-on-one interview sa kanya sa aming BULGAR TV

YouTube Channel, okidok?


'Wag nang mahiya (chos!), subscribe and like n'yo na ang BULGAR TV sa YT, please, para lagi kayong updated. 


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page