CHARO AT MALOU NG ABS-CBN, NAKIPAG-DEAL SA MGA BOSSING NG GMA-7
ni Beth Gelena @Bulgary Files | December 23, 2022

Usap-usapan ang lunch meeting ng mga bosses ng dalawang higanteng network — sina Ms. Annette Gozon-Valdes at Joey Abacan ng GMA-7, at sina Charo Santos-Concio at Malou Santos ng ABS-CBN.
Natutuwa ang mga netizens dahil ang dating magkalabang istasyon ay nagkakasundo na. Malamang, may malaking proyekto na iko-collab ang dalawang network.
May nagkomento naman na "Are they sisters? Malou and Charo?"
Sabi naman ng isa, "Wow, who would have thought? Nice to see them in one frame."
Witty naman ang komento ng ibang netizens, "How the mighty ABS-CBN has fallen."
"What a weird take. Are you saying partnership with GMA is "falling" to a lower level?"
"When you're down there's nowhere to go but up. Just a reminder, Lopezes own a dozen of companies."
"Dozen before. Few na lang now," sey naman ng isang commenter.
"Yes, people seem to forget bawal ma-mention ang mga Kapuso stars sa Kapams Network.
Sila lang ang dapat na kilala at ang nasa top. Nu'ng kasikatan ng AlDub, bawal banggitin, even TV ads, hindi puwede i-air sa network nila na magkasama sina A at M. Kailangan separate. Now they are reaching out sa network na ineetsapuwera nila. Kaya no man is an island talaga."
"Mabait talaga ang GMA-7 and this is coming from a certified Kapamilya supporter, BRAVO!
Hay, sana more team-up with ABS-CBN and GMA-7 artists. Can you imagine Daniel Padilla with Gabbi Garcia? Or Jen Mercado and Zanjoe, Kathryn and Alden in a serye and many more."
"Gamitan pero malaking tulong 'yan sa ABS-CBN, so yes, my point still stands, mabait ang GMA-7!"
Request naman ng isang faney, "Sana Bea at Zanjoe sa teleserye."
May nagtanong naman kung lilipat na raw ba sina Charo at Malou sa Kapuso?
Kasama si Charo sa new teleserye ni Coco Martin, so I doubt kung lilipat siya.





Comments