Charm Bell, nanguna sa Juvenile Fillies Stakes Race
- BULGAR

- Nov 9, 2020
- 1 min read
ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | November 9, 2020
Nagwagi sa Juvenile Fillies Stakes Race ang sakay ni Jockey Jonathan Basco Hernandez na Charm Bell matapos tawirin ang 1,600 meters sa Metro Manila Turf Club Inc.(MMTCI) sa Malvar, Batangas kahapon.
Kasabay nito nagwagi sa Ciara Marie trophy race sa 1,400 meters ang kabayong Mount Dulang Dulang laban sa Oh Lala at Ava’s Tale.
Sa umpisa agad na pinangunahan ng charm bell habang nakasunod ang Kiss Muna at Kevlar. Sa umpisa ng karera sa juvenile fillies ipinakita ni Jockey Hernandez ang husay ng Charm Bell na walang makadikit sa kabayo. Pagsapit sa huling 200 meters tinapos ng Charm Bell ang laban kasunod ang Kevlar.
Sa pagsisimula ng karera kinuha ng Meteora ang unahan habang nakasunod ang mga kalaban hanggang magdatingan ang iba pang kalahok na Charm Bell at Kevlar.
Tinanggap ng Charm Bell ang unang premyo na P.9-M. Nanalo nang may tatlong kabayo ang layo ng Charm Bell nang tawirin ang finishline. Bago ang Juvenile Fillies unang binitiwan ang Ciara Marie Abalos Trophy race na pinagwagian ni Mount Dulang Dulang at pumangalawa ang Oh Lala at pumangatlo ang Ava’s Tale at dumating na pang-apat ang Jersy Saving.
Nagwagi ang Wonderland kontra Stella Malone sa isang gitgitan na laban sa Race 2 ng J S Rabano Construction Inc.Stakes Race.




Comments