Charlie, oks lang? TRINA AT CARLO, NAGSAMA ULI PARA SA ANAK
- BULGAR
- May 31, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | May 31, 2023

May hugot si Trina Candaza sa engagement ni LJ Reyes kay Philip Evangelista. Ishinare ni Trina sa kanyang Instagram Story ang engagement photo ni LJ at may kasamang quote na, "One day, this pain will be my testimony."
Positive ang comment sa post na 'yun ni Trina, magtiwala lang daw siya at siguradong sa tamang panahon, ibibigay ni Lord ang right man para sa kanya.

Gaya ni LJ, single mom din si Trina mula nang maghiwalay sila ni Carlo Aquino.
And speaking of Carlo, magkasama sila ni Trina na dumalo sa moving up ceremony ng kanilang anak na si Enola Mithi.
Parehong nakangiti sina Carlo at Trina sa mga photos na nakita namin. Ibig kayang sabihin nito ay masaya sila sa pagkikita nila o masaya sila para kay Mithi?
Anyway, may nagtanong kay Trina sa IG Story ng "Ms. Trina. Paano kung ipakilala ni (tinakpan ang name) si (tinakpan uli ang name)?" na obviously, ang tinutukoy ay si Carlo Aquino at si Charlie Dizon na rumored GF ng aktor.
Ang sagot ni Trina, "IDK (I don't know) kung ano ang mararamdaman ko if that happens, but 'yung idea for me, it means he respects me so much and he loves that person so much too."





Comments