top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Chancetheracer markado

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 21, 2021
2 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | November 21, 2021



Mainitang bakbakan na naman ang masisilayan ng bayang karerista dahil sa mga stakes races na ilalarga ngayong araw sa pista ng Metro Turf sa Malvar, Tanauan City sa Batangas.


Tampok ang 2021 PHILRACOM "Amb. Eduardo M. Cojuangco, Jr. Memorial Cup", magtatagisan ng bilis ang 12 kalahok kasama ang coupled entries sa distansyang 2,000 meter race kung saan inaasahang papatok sa takilya sina Chancetheracer at Righteous Ruby.


Rerendahan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey-of-the-Year awardee, Jessie Guce, sasalang si Chancetheracer, anak nina Quality Road (Sire) at Christmas Lass (Dam), kasama ang ka-kuwadrang si Doc Boy na sasakyan naman ni class A rider JA Guce.


May kakampi rin si Righteous Ruby sa event na nakalaan ang P3M guaranteed prize, ito'y si Full Stream, subalit ayon sa ibang mga karerista ay lahat ng kalahok ay may mga galing kaya magiging anybody's race ang labanan.


Maliban kay Righteous Ruby, posibleng magbigay ng magandang laban sina Wish Afan A Star at Gomper Girl sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon. Ang ibang kasali ay sina American Factor, Our Tito, Runway, Raintree Starlet at magka-kuwadrang sina In The Zone at Tony's Love.


Hahamigin ng magkakampeon ang P1.8M, mapupunta sa second placer ang P600,000 habang tig P300,000, P150,000, P90,000 at P60,000 sa 3rd, 4th, 5th at 6th placers ayon sa pagkakahilera. Kukubrahin ng breeder ng winning local horse ang P150,000.


Samantala, makakapanood din ng bakbakan ng mga batang kabayo ang mga karerista paglarga ng MARHO Breeders' 2-Year-Old Juvenile Colts ng Andok's.


Mag-uunahan sa meta ang anim na kasali sa distansiyang 1,400 meter race kung saan ibubulsa ng mananalo ang P300,000 na premyo.


Paparada sa pista sina Big Battle, Moves Like Jagger, Buwayang Bato, Lauriatisimo, Full Combat Order at Money For Gabriel. Ikakasa rin ang 2-Year-Old Juvenile Fillies, ang mga tutungo sa starting gate ay sina Back To The Futute, Cats Wonderful, Money For Biffany, Charm Campaign, Main Event, Heneral Agueda at Palauig.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page