Chance nang umeksena sa fan meet, ipinasa pa sa iba… JOLINA, SISING-SISI NA INATAKE NG HIYA KAY PARK SEO-JOON
- BULGAR

- Jul 17, 2025
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 17, 2025
Photo: Jolina
Ang laki ng panghihinayang at pagsisisi ni Jolina Magdangal sa oportunidad na kanyang pinalampas sa fan meet ng South Korean Superstar na si Park Seo-joon (PSJ). Dumalo ang aktres sa fan meet ng SoKor actor na ginanap sa Araneta Coliseum last Saturday, July 12.
Ipinost ni Jolens sa Instagram (IG) ang mga larawan ni PSJ mula sa fan meet.
Sa caption ay ikinuwento niya na masuwerte siyang napili na umakyat sa stage at maka-interact ang South Korean actor pero dahil umiral ang kanyang hiya ay ipinasa niya sa katabi niya ang chance.
“Haaaaaay!!!! Ang hirap talaga magsisi at mag-regret.
“Share ko lang… I had a chance to ask and talk to @bn/_sj2013 nu’ng may pinipili sila sa audience. Pero sa sobrang hiya ko, nag-pass ako at ‘yung girl sa harap ko ang gumawa (sana nakadagdag ako sa kasiyahan ni ate girl),” tsika ni Jolina.
Kaya naman labis daw ang kanyang panghihinayang pag-uwi niya ng bahay.
“Pag-uwi ko nag-aaway ‘yung heart ko sa kilig at panghihinayang. Haaay talaga! Pero I think nangibabaw ang kilig,” aniya.
“Eto lang ‘yung mga pictures na nakunan ko kasi sa sobrang kilig, ‘di ko ma-focus ‘yung phone. Hahaha!” paliwanag pa niya tungkol sa mga larawang ipinost.
IT’S giving family goals ang Legaspi family matapos ma-meet ang cast ng superhero movie na The Fantastic Four: First Steps (TFFF) sa Sydney, Australia.
Sa isang Instagram (IG) post, ishinare ni Mavy Legaspi ang photo nilang pamilya kasama ang mga bida ng pelikula. Nakipag-photo op ang kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi kina Joseph Quinn at Ebon Moss-Bachrach, habang nag-pose naman sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi kasama sina Vanessa Kirby at Pedro Pascal.
May picture rin sina Mavy at Cassy kasama ang Hollywood superstar na si Pedro, kung saan napa-comment pa ang ilang celebrities gaya nina Bea Alonzo at Gabbi Garcia.
Samantala, abangan ang Legaspi family sa kanilang pagbibidahang serye na Hating Kapatid (HK) soon on GMA.
NANGUNGUNA sa Spotify Top Podcasts sa Pilipinas ang vodcast (video podcast) ng GMA Network na Your Honor (YH). Bukod sa success nito sa Spotify, Top 2 comedy show din sila sa Apple Podcast sa bansa.
Hosted by Madam Chariz Solomon at Mr. Buboy Villar mula sa House of Honorables, ang YH ay mala-hearing na kuwentuhan at kulitan kasama ang mga celebrities kung saan iniimbestigahan ang kahit anong isyu sa life.
Mapapanood ang fresh episodes ng YH tuwing Sabado, 7:15 PM sa YouLOL YouTube (YT) livestream. Puwede ring balik-balikan ang trending vodcast ng YH sa Spotify at Apple Podcasts.






Comments