Cesar, Ruffa at Diego bilang sina FM, Imelda at BBM... CRISTINE, GAGANAP NA IMEE MARCOS
ni Nitz Miralles - @Bida | June 12, 2022

Kumpleto na ang main cast ng Viva Entertainment movie na Maid in Malacañang dahil in-announce na ni Director Darryl Yap na si Cristine Reyes ang gaganap sa role ni Sen. Imee Marcos. Si Ella Cruz naman ang gaganap sa role ni Irene Marcos-Araneta.
Nauna nang in-announce na si Ruffa Gutierrez ang gaganap sa role ni former First Lady Imelda R. Marcos, si Cesar Montano sa role ni the late President Ferdinand Marcos at si Diego Loyzaga sa role ni President-elect Bongbong Marcos.
May mga iba pang karakter na hindi pa ina-announce at marami ang excited na malaman kung sino ang gaganap na maid. Nahihirapan ba si Direk Darryl at ang Viva na piliin ang aktres na gaganap sa importanteng role ng pelikula?
Controversial na ang Maid in Malacañang hindi pa man nagsisimula ang shooting. Nagte-trending sa Twitter ang na-announce na cast members.





Comments