CESAR, ITINUTURONG DAHILAN NG HIWALAYANG SUNSHINE-MACKY
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | September 26, 2022

Marami ang labis na nanghihinayang sa relasyong Sunshine Cruz at Macky Mathay na tumagal din ng five years.
Base sa latest post ni Sunshine sa social media ay mukhang hindi na tulad nang dati ang lahat.
Pareho na sila ni Macky na nag-unfollow sa Instagram ng isa't isa. At wala nang post si Sunshine ng kanilang mga larawan ni Macky Mathay.
Bagama't wala pang diretsahang pag-amin mula kina Sunshine at Macky sa status ngayon ng kanilang relasyon, marami sa kanilang mga common friends ang nakakaramdam na hindi na sila couple ngayon.
May mensahe pa nga si Sunshine na may caption na "Everything happens for a reason.”
Nagpaabot naman ng kanilang suporta ang mga pinsan ni Sunshine, ganu'n din ang kanyang mga kaibigan sa showbiz.
May mga netizens naman ang nagtatanong kung may third party ba sa side ni Macky Mathay kaya lumamig na ang relasyon nila ni Sunshine Cruz?
May ilan din ang nagsasabing ang pakikipagbati raw ni Sunshine sa kanyang ex-husband na si Cesar Montano ang dahilan kaya nagselos si Macky.
Pero, ang alam ng lahat ay may tatlong anak na si Cesar sa kanyang karelasyon ngayon.
At nakita-nakilala na mismo ni Sunshine ang babaeng ipinalit sa kanya ni Cesar Montano.
Wala namang balak si Sunshine na magkaroon ulit ng kaugnayan sa kanyang ex-husband. Sapat na 'yung nailapit niya kay Cesar ang tatlo nilang anak na mga dalaga na ngayon.





Comments