top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Celtics, nanaig sa Hornets, Grizzlies, tinambakan ang Pacers

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 16, 2023
2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | December 16, 2023




Ipinagpag ng numero unong Boston Celtics ang mabagal na simula upang talunin ang Charlotte Hornets, 122-106, sa tapatan ng dalawang koponan sa magkabilaang ulo ng NBA kahapon mula sa Spectrum Center. Nakibahagi muli sa liderato ng Western Conference ang Memphis Grizzlies sa bisa ng 130-112 tambakan sa Indiana Pacers.

Kumilos ang Celtics sa second half at binaligtad ang 66-62 ng Charlotte. Nanguna si Jayson Tatum na may 33 puntos at sinundan ni Malcolm Brogdon na may 30 puntos bilang reserba, ang kanyang pinakamarami ngayong taon.

Namayani si Joel Embiid at naka-shoot na may 5 segundo sa orasan upang itulak ang bisitang Philadelphia 76ers sa 118-117 tagumpay sa Utah Jazz. May pagkakataon ang Utah subalit nagmintis ang tres ni kabayan Jordan Clarkson sabay tunog ng huling busina.

Nagtapos si Embiid na may 30 puntos habang 31 puntos at 11 assist si James Harden.


Naghayag ang Jazz na babalik ang pangalan ng kanilang tahanan Vivint Arena sa Delta Center simula sa susunod na NBA, ang kanilang ika-50 taon sa liga buhat noong itayo ang prangkisa bilang New Orleans Jazz.

Hindi nakalapit ang iba pang naghahabol sa Boston at bigo ang Cleveland Cavaliers sa Minnesota Timberwolves, 110-102. Nagpasikat si Anthony Edwards sa kanyang 26 puntos at tinulungan ni Naz Reid na may 17 puntos bilang reserba.

Pareho rin ang kapalaran ng Milwaukee Bucks na yumuko sa Miami Heat, 111-95.


Ipinasok ni Gabe Vincent ang 21 ng kanyang 25 puntos sa first half pa lang upang maging susi sa kanilang ika-24 panalo.

Pumulot ng mahalagang tagumpay ang Portland Trail Blazers kontra sa Dallas Mavericks, 136-119. Uminit ang shooting ni Damian Lillard para sa 36 puntos at 10 assist at sinuportahan ni Jusuf Nurkic na may 22 puntos at 11 rebound.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page