top of page
Search
  • BULGAR

Celtics, Hawks, Spurs at Nuggets, nakasalba

ni Anthony E. Servinio - @Sports | March 4, 2021





Kahit wala silang shoot sa huling apat na minuto, mga free throw nina Daniel Theis, Kemba Walker at Robert Williams III ang sumalba sa Boston Celtics kontra sa bisitang LA Clippers, 117-112. Nanguna sa Celtics si Walker na may 25 puntos at All-Star Jaylen Brown na may 18.


Nabigyan na ng Atlanta Hawks ang kanilang bagong talagang Coach Nate McMillan ng kanyang unang tagumpay laban sa biglang lumamig na Miami Heat, 94-80. Namuno sa panalo si Trae Young na may 13 ng kanyang 18 puntos sa 4th quarter at may kasama pang 10 assist habang nag-ambag si John Collins ng 17 puntos.


Sa ibang mga laro, tinakpan ni Trey Lyles ang pagliban ni LaMarcus Aldridge at naging susi sa 119-93 panalo ng San Antonio Spurs sa bisitang New York Knicks. Nagsabog si Lyles ng 18 puntos at sinuportahan siya ni Dejounte Murray na may 17 puntos.


Naipagtanggol din ng Denver Nuggets ang kanilang tahanan laban sa Milwaukee Bucks, 128-97. Isa pang triple double si All-Star Nikola Jokic na 37 puntos At sinundan ni Jamal Murray na may 24 puntos. Tinambakan ng Memphis Grizzlies ang Washington Wizards, 124-111. Double-double is 2020 Rookie of the Year Ja Morant na may 35 puntos at sinundan nina De’Anthony Melton at Dillon Brooks na parehong may tig-20 puntos.


Samantala, inihayag ng NBA ang mga tatanggap ng karangalan para sa kanilang husay noong Pebrero sa pangunguna nina Kia Players of the Month James Harden ng Nets at Devin Booker ng Suns. Sina Tyrese Haliburton ng Kings at LaMelo Ball ng Hornets ang Kia Rookies of the Month habang sina Coach Quin Snyder ng Utah Jazz at Coach Steve Nash ng Nets ang mga Coaches of the Month.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page