top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Celtics bumawi sa 76ers, 1-1 na sa East Semifinals

Writer: BULGAR
BULGAR
May 5, 2023
1 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | May 5, 2023



Tinambakan ng Boston Celtics ang bisitang Philadelphia 76ers, 121-87 at maitabla sa 1-1 ang seryeng best-of-seven sa 2023 NBA Eastern Conference Semifinals kahapon sa TD Garden.


Hindi naging sapat ang pagbalik-aksiyon ng bagong hirang na NBA MVP Joel Embiid subalit kampante ang 76ers at lilipat na ang serye sa kanilang tahanan para sa Game 3 at 4. Lamang lang ng 57-49 sa halftime ang Celtics matapos ang 3rd quarter. Nagawang palakihan ito sa 92-65 papasok sa 4th quarter at inalagaan nila ito ng mabuti.


Namuno sa Boston si Jaylen Brown na may 25 puntos. Tinakpan ni Sixth Man of the Year Malcolm Brogdon ang maalat na shooting ni Jayson Tatum at nagsumite ng 23 puntos bilang reserba.


Matapos lumiban noong Game 4 ng serye laban sa Brooklyn Nets at sa Game 1 noong isang araw, nagtala si Embiid ng 15 puntos sa loob ng 26 minuto lang. Nanguna sa Philadelphia si Tobias Harris sa kanyang 16 puntos at 7 rebound.


Bago ang laro ay nagsagawa ng pulong balitaan si Embiid kung saan inalala niya ang mga hirap niya bago maabot ang tagumpay. Nagsimula ito noong 14-anyos na siya sa Cameroon at sumali sa Basketball Without Borders upang matutong maglaro hanggang payagan siya ng kanyang mga magulang na lumipat sa U.S. upang mag-aral ng High School sa Florida.


Isang taon lang ang itinagal niya sa kolehiyo sa University of Kansas at naging pangatlong itinawag ang pangalan ng 76ers sa 2014 Draft. Sa kasamaang palad, hindi siya nakalaro agad at naghintay ng 2 taon bago maghilom ang kanyang pilay sa paa.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page